Chapter 68

5.5K 272 10
                                    

XENON'S POV:

Blag!

Agad akong naalimpungatan sa tunog na iyon.Hindi ko namamalayang nakatulog pala ako.Kanina lang kasi ay tinitigan ko si Ashton habang natutulog sa kalagitnaan ng byahe, hindi ko inaasahang makatulog rin pala ako.

"Magpapagasolina lang si Mang Joe,pero kung sino man sa inyong gustong mag cr ay mag cr na.May cr sila dito",bigay alam ni Red samin.

Bigla namang tumayo si Mat at yung dalawang kaklase ni Ashton.Speaking of him,nagising rin ito,at habang tinitignan ko siya ay biglang tumayo ang lalaking nasa gitna namin.Kung hindi ako nagkakamali ay Wade ang pangalan nito.Mukhang mag-c-cr din ito.

Nang ibabalik ko na sana ang tingin ko kay Ashton ay saglit akong nagulat nang makitang nakatitig ito sa'kin.At ang mas nakakaputang*na pa ay unti unti umusog papalapit sa akin.Handa na sana akong uusog paatras nang bigla itong magsalita.

"Pakiabot ng tubig",aniya sabay lipat ng tingin sa bag na nasa tabi ko na puno ng maiinom,kasama na roon ang tubig at mga chichirya.

"O-okay",sagot ko at kinuha ko nga ang bottle ng tubig

"Here",abot ko sa kanya at kinuha niya naman ito.

"Thanks",tipid niyang pasalamat at ininom na ang tubig.Kalahati lang ang ininom niya sa dun.

Pagkatapos niyang ilagay sa tabi yung bottle ay umayos siya ng upo,at di naglaon ay unti-unting pumikit ang mga mata niya.At nang tuluyan na siyang kinain ng antok ay siya ring pagdating ng katabi namin.

Tumingin ito sa akin,at kay Ashton na mahimbing na natutulog saking tabi.Ngunit agad din nitong ibinalik ang tingin sa akin.Nagsusukatan na kami ng tingin ngayon.

Ano bang problema ng ungas na ito?

Natigil lang kami ng magsalita si Red.

"May problema ba jan sa likod?",tanong nito.

"Wala/None",sabay naming sagot.

Wala itong choice kung hindi ay umupo sa inuupuan ni Ash kanina.Bale napapagitnaan na namin si Ashton ngayon.

Habang patuloy ang byahe ay tahimik lang ang lahat maliban sa dibdib ko na kumakabog na naman.Pano ba naman,kinakabahan ako kung hihilahin ko ba ang ulo ng katabi ko upang maisandal sa balikat ko o hindi.Nakalawit lang kasi ang ulo nito at natatakot akong magising ito kapag gagawin ko yun.Pero bahala na..

Hahawakan ko na sana ang ulo niya nang biglang may iba ring kamay ang lumitaw galing sa kabila.Tiningnan ko ang may ari nito at nagsusukatan na naman kami ng tingin ng nagngangalang Wade.Ni isa sa amin ay walang nagpapatalo.Ngunit agad din kaming natigil nang biglang magising si Ashton kaya agad din naming ibinaba ang mga kamay namin at umayos ng upo.

Mga tatlong ang oras ang nagdaan ay nakarating din kami sa lugar.

"Kyahhh!Ang ganda!",tili ng kapatid ko at patakbong lumapit sa dalampasigan kasama ang kaibigan niya.

"Hindi niyo ba pinapasyal ang baliw na yan?",kunot-noong tanong ni Mat.

"Ask her",sagot ko dito at iniwanan sila.

Nauna na ako sa gusaling pagste-stayhan namin at pumasok sa kwartong sinabi ng babaeng Key Keeper sa ibaba.Badtrip na badtrip talaga ako ngayon.





















ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

"Diyan lang sa kabila yang kwarto mo Ash.Wag kag mag-aalala.Ikaw lang ang nag-iisa diyan.Wag kang mag-tatagal ah?Excited na kaming magswimming hihihi",anas ni Xia bago sinarado ang pintuan ng kwarto nilang dalawa ni Rese.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon