Chapter 41

7K 283 51
                                        

ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

"Anak ng---?!!Wag mo ngang ilagay yan dito!bwisit!Ang dami na nitong huhugasan ko!",reklamo ng abnormal nung inilagay ko ang mga bagong hugasin sa sink.Simula kasi ngayon ng punishment namin kaya nandito kami ngayon sa cafeteria at tumutulong sa mga staff dito.Siya ang tagahugas at ako yung tagahanda ng mga order at tagadala ng mga huhugasin sa kanya.

"Anong nangyayari dito?May problema ba?",biglang dating ng isa sa tagaluto dito na siya ring taong inutusan ng dean na magmatyag saming dalawa.

"Wala",masungit na sagot ni 'abno' kay Sir Darvic at ipinagpatuloy ang paghuhugas.

"Ah okay.Kung may problema  tawagin niyo lang ako ha?",sabi nito saming dalawa at tinanguan ko lang ito.

"Sige.Ipagpatuloy ko muna yung ginagawa ko",anito at umalis.

"Umalis ka na nga!Nabwiwisit ako jan sa pagmumukha mo",taboy nitong abno sa'kin.

"You're not the only one",sagot ko sa kanya at naglakad paalis.

"Anong sab---aw!",biglang sigaw niya at napahinto ako sa pag-alis.

Nilingon ko siya sa likod at natagpuang sugatan sa kanang kamay.Tinignan ko ang sink at may nakita akong kutsilyo na kasali sa huhugasan niya.

"Shit! Shit!",aniya nang marami nang dugo ang lumabas mula sa sugat.Malaki kasi yung hiwa.

Haist!Katangahan nga naman...

Walang pagdadalawa ay agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at hinawakan ang kamay niyang may sugat.Pagkatapos ay binuksan ang gripo at itinapat doon ang kanyang kamay.

"Aray!Ano sa tingin mo ang ginagawa mong gago ka ah!Bitiwan mo ako!",pagpupumiglas niya at nang mainis ako ay diniin ko ang daliri ko sa sugat niya.

"Shit!",daing niya"Walang hiya ka talagang gago ka!"

"Shut up!",sigaw ko nang hindi ko matiis ang inis ko,at sa hindi inaasahan ay tumahimik siya habang nanlalaking matang nakatingin sa'kin, ngunit di ko na yun pinagkaabalahan pa at tinuloy ang paghugas sa sugat niya.

Nang matapos ako ay agad ko naman siyang hinila sa kinaroroonan ng isa sa worker dito upang manghiram ng first-aid kit.Wala namang paligoy-ligoy nitong ibinigay ang kailangan ko.

Nang nasa akin na ang first-aid kit ay wala akong sinayang na oras at agad na ginamot ang sugat ng takot sa dugong 'abno'.Habang ginagamot ko siya ay wala itong imik na siyang kapanipanibago. Bukod din sa wala itong imik ay kanina pa ito nakatitig sa akin,na para bang hindi ako yung taong kinamumuhian niya.

Pero ang mas nakakagulat ay nang makita ng gilid ng mata ko ang dahan-dahang pagtaas ng isa niya pang kamay papunta sa mukha ko.

"What are you doing?",agad kong tanong nang hindi nakatingin sa kanya.

Natigil ang kamay niya sa ere.Di naglaon ay mukha itong natauhan.Binawi nito ang kamay niyang ginagamot ko at dali-daling tumayo sabay atras.

"S-sinong m-may sabing g-gamutin mo ako?!",uutal niyang sigaw pagkatapos ay naglakad paalis.

Abnormal














THIRD PERSON'S POV:

Dali daling pumunta ng cr ang binata at naghilamos ng mukha gamit ang libreng kamay nang sa gayon ay mahimas-masan ito.Pagkatapos ay humarap siya sa salamin sa kanyang harapan habang malalim ang mga hinga na para bang hinabol ng kung sino.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon