Chapter 56

6.3K 338 40
                                    

RESE'S POV:

"Don't mind the time!Continue on stealing the ball!",sigaw ng kuya ni Xia sa mga kasama nito at tila nabuhayan naman ang team.

Kakaibang husay ang ipinakita ng mga kasama niya.At di naglaon ay napasakanila yung bola ngunit agad iyong ipinasa ng taong nakakuha ng bola sa kapatid ni Xia.At sa oras na masalo yun ni Xenon ay mas umingay ang paligid.Intense na intense ang nangyayari dahil sa kabila ng pilit na inaagaw ng kalaban ang bola ay ilang segundo na lang ang natitira.

Papunta ngayon sa ring si Xenon pero bago pa man siya makapasok sa loob ng linya ay bigla siyang tumigil sa three-point line sabay hagis ng bola.

Tila bumagal ang oras at tutok na tutok kaming lahat sa bola.At ang sumunod na nangyari ay ikinatayo namin ni Xia at mas ikina-ingay  ng paligid.

Pumasok ang bola!

Pero agad ring nawala ang kasiyahang nararamdaman namin nang biglang magsilapitan ang mga tao at mga officials sa loob ng court kasabay ng hiyaw ng pamilyar na tao.

"Anong nangyayari?",tanong ni Xia,ngunit di naglaon ay biglang nanlaki ang mga mata niya at dali-daling bumaba patungo sa kumpulan.

"So this is it huh?",biglang sambit ni Ash ngunit hindi ko na pinansin ang sinabi niya at sinundan na si Xia.

Nang marating ko ang gitna ay naabutan ko ang kalunos-lunos na nangyari sa kapatid ni Xia.Yung sa palapulsuhan kasi nito ay parang nabali o kung ano dahil litaw ang butong wala sa posisyon at hindi lang yun.Pati sa paa nito ay parang may problema dahil sapo nito ang kaliwang paa nito gamit ang libreng kamay.

Nilapitan ko si Xia na pilit lumalapit sa gitna habang tumutulo ang luha kung hindi lang pinipigilan ng mga kaibigan ni Xenon.

"Wag sabi baliw.Mas lalala yung sitwasyon ng kapatid mo kapag lalapit ka pa.Hintayin na lang nating dumating yung ambulansiya",inis na sabi ni Mat kay Xia.

"Pero kapatid ko yung nan------",hindi na natapos ni Xi ang sasabihin nang may magsalita sa likuran namin at kilala ko kung sino ito.

"He's right",anas ni Ash."But what you said on the last i can't agree with it",dagdag niya sabay lingon sa kinaroroonan ni Xenon.

"He needs a first aid fast but these morons are busy watching him and contacting all ambulances in this area",pagpapatuloy niya.

Lumingon siya uli sa'min lalo na kina Red at Mat.

"Help me from preventing this people on stopping me while i drag your friend's career away from peril",walang ka emo-emosyon niyang sabi sa kanila.

"And one more thing.... don't let the guy who did this to him get away",aniya bago kami tinalikuran at pumuntang gitna kung nasaan ang kapatid ni Xia.

Ano na naman kaya ang gagawin niya ngayon...

Nang tuluyan na siyang makalapit sa kinaroroonan ni Xenon ay agad siyang nag-squat.Sa ginawa niya ay tila hindi mapakali ang mga tao.May iba pang sinusubukan siyang ilayo ngunit pinigilan ito nina Red at Mat na siyang nakakagulat.Akala ko kasi hindi nila susundin yung sinabi ni Ash

Bago gawin ni Ash ang kanyang sadya ay bigla siyang tumingin-tingin sa paligid at di nagtagal ay biglang tumigil habang nakatitig sa kung saan.

"Give me that stick",aniya habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin doon.Ngunit walang ni isang gumalaw kaya ako na sana ang gagawa nang bigla niyang titigan ang taong malapit sa tinutukoy niya.Tila nagulat ang lalaki sa ginawa niya at hindi na ako nagtaka nang agad siyang sinunod nito.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon