Chapter 69

6.5K 313 50
                                    

RESE'S POV:

"T-that's Xenon!"

Matapos iyong sabihin ni Mat sa amin ay agad nila kaming iniwan para tulungan si Xenon.Ngunit hindi pa man sila nakalusong sa tubig nang bigla silang unahan ni Ash na siyang ikinagulat namin.Ngunit hindi yun dahilan upang sila'y tumigil.

"Rese... yung kuya ko",naiiyak na sambit ni Xia.

Niyakap ko lang siya nang gumaan ang pakiramdam niya kahit ako rin ay kinakabahan.Nang tingnan ko uli yung nangyayari ay agad napalitan ng tuwa ang pag-aalala ko nang makitang hila-hila na ni Ash ang kapatid ni Xia.

Kahit alam ko kung gaano si Ash  kabilis lumangoy ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha dahil yung lifeguard na tutulong sana sa kapatid Xia ay naunahan niya.

Agad nilang dinala si Xenon sa dalampasigan at agad kaming sumunod doon.Nang maihiga nila ito sa buhangin ay agad na chineck ni Ash yung breathing ng kapatid ni Xia.

"Hey,let me handle that bo--"

"Shut it",putol ni Ash sa sasabihin sana ng lifeguard at natahimik naman ito.

"Sh*t",biglang mura ni Ash matapos nitong icheck ang breathing,pagkatapos ay ginawa nito ang CPR.

Pinupump niya ngayon ang dibdib ni Xenon at di naglaon ay saglit siyang tumigil at inipit niya ang ilong nito gamit ang mga daliri at binigyan ito ng hangin gamit ang bibig niya.Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya uli ang pagp-pump at binigyan niya na naman ito ng hangin.Mga tatlong beses niya yung inulit hanggang sa muling bumalik ang hininga ni Xenon kasabay ng pagsuka nito ng tubig.

"Kuya!",sigaw ni Xia at umalis sa tabi ko upang daluhan ang kapatid.Dumalo rin ang mga kaibigan nito.

Nang lingunin ko si Ash ay hindi ko na ito nakita sa pwesto nito matapos itong tumayo kanina.Hinanap ko ito and only to find out na naglalakad ito paalis.

"Ash!",sigaw ko at natigil naman silang lahat at lumingon sa kinaroroonan ni Ash na hindi man lang lumingon matapos kong tawagin.
































XENON'S POV:

"Okay na ba ang pakiramdam mo kuya?",tanong ni Xia sa'kin.

"Yeah",sagot ko.

Nandidito kami ngayon sa loob ng kwarto na tutuluyan ko kasama na sina Red,Mat,at Xia.Nandidito rin si Mang Joe at yung babaeng kaibigan ng kapatid ko ngunit nandoon lang sila sa labas.Yung mga kasama pa naming anim na lalaki naman ay wala rito,kasama na ang taong nagligtas sa'kin.

Ikinuwento na ni Mat at ng kapatid ko ang nangyari,at hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si Ashton sa ginawa niyang pagligtas sa'kin.Ang laki na ng utang na loob ko sa kanya.Hindi ito ang kauna-unahang iniligtas niya ang buhay ko.At maisip ko lang ang lahat ng kabutihang ginawa niya sa'kin ay nagui-guilty ako.Ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya nagdadalawang isip na ako'y tulungan.

"Nga pala bro,may hindi pa pala kami nasasabi sayo",sambit ni Mat at nilingon ko naman siya "Pero bago yun,wag ka sanang magagalit o mandidiri o ano man",pagpapatuloy niya.

"Just spill it",inip kong sabi.

Baka kabaduyan niya naman ito.Nasanay na rin ako sa mga kalokohan niya sa mga pangyayaring tulad nito.Yung napakaseryoso ng ng pangyayari kaso hahaluan niya ng biro.

"Eh kasi nung kanina habang sinusubukan kang bigyan ng malay ni Ashton ay...",pabitin niya.

"Ano?",tanong ko.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon