Chapter 73

7.2K 314 57
                                        

Still XENON'S POV:

Walang hiya talaga yung kapatid ko na yun.Seriously?Naloko niya ako.Akala ko may namamagitan talaga sa kanilang dalawa.What a crazy sister i have.

Humiga ako ng kama at isinuot ang headset na nakapatong sa table gilid ng kama ko,at nakinig ng kanta.Hindi na naman ako makatulog dahil nakatulog na ako kanina.Mga sampung kanta siguro ang pinakinggan ko bago ako nagsawa.Napagpasyahan kong lumabas at habang papababa ako ng hagdan ay nakita kong nanonood ng TV silang tatlo.Nang tuluyan akong makababa ay dumerecho akong kusina upang makainom ng tubig.

"Xenon,mabuti at nandito ka.Pwede ba kitang mautusan?",anas ni Manang Linda pagpasok ko sa kusina.

"Oo naman po.Ano po yun"

"Pakibilhan mo ako ng mga sangkap na ito",sabay bigay ng listahan"Nakalimutan ko kasing bilhin.Gagawa sana ako ng dessert para ngayong gabi.Hindi rin naman uli ako makapunta ng tindahan dahil nakatulog si Joe matapos akong samahan mamalengke.Napagod ata sa byahe niyo kanina.Tsaka si Isabelle ay hindi ko makita",paliwanag ni Manang.

"Sige po.Naiintindihan ko"

"Pasensiya na talaga iho"

"Okay lang po",sagot ko at pumanhik na sa taas upang makapagbihis.

Nang matapos akong magbihis ay agad rin akong bumaba at pumunta ng lagayan ng mga susi.Ngunit nang makarating ako roon ay hindi ko matagpuan ang susi ng garahe,kaya bumalik ako sa loob.

"Manang,nakita mo ba yung susi ng garahe?Wala kasi doon sa lagayan",tanong ko.

"Anong problema kuya?",biglang dating ni Xia ngunit hindi ito pinansin.

"Naku,hindi ko nakita iho.Pero alam kong yung mama mo ang huling gumamit nun",Manang.

"Nasan po siya?",tanong ko.

"Nasa kompanya niyo.Kailangan daw siya sa meeting.Baka nadala ni Madam yung susi",Manang.

"Baka nga.."

"Kuya?Saan ka pupunta?",sabad ni Xia.

"Naku iha,may ipapabili kasi ako sa kuya mo.Kaso wala yung susi ng garahe",si Manang ang nagpaliwanag.

"Ganun po ba,so ibig sabihin niyan ay magco-commute itong si Kuya?Hahaha!Maganda yun!Sa wakas magka-experience kana Kuya",asar ni Xia at sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Naku,kung ganyan ang mangyayari ay wag na lang.Ako na lang ang bibili.Sobrang nakakaabala na kanya"

"No Manang,si Kuya na ang bibili.Baka ano pa ang mangyari sa inyo.Wala pa naman kayong kasama",pigil ni Xia.

"She's right Manang,kaya ko na po",sang-ayon ko.

"Pero hindi ka sanay na sumakay ng jeep iho.Kung meron lang talagang maghahatid sa iyo roon.."

"Uh excuse me",salita ng kaibigan ni Xia na si Rese."Narinig ko kasi ang pinag-uusapan niyo.Bakit hindi na lang kaya si Ashton ang maghahatid po sa kanya.May dala po kasi kaming motor",pagpapatuloy nito.

Tila kumabog na naman ang dibdib ko matapos iyon marinig.

"Oo nga,hindi ko naisip yun.Ang talino mo talaga bruha",Xia

"Matagal na",biro ng kaibigan.

Agad kaming pumunta ng sala kung saan abala sa panunuod si Ashton ng TV.Ipinaliwanag agad ng kapatid ko ang sitwasyon sa kanya at habang ginagawa niya iyon ay hindi ko mapigilang kabahan.Baka hindi ito papayag.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon