Chapter 36

7K 322 57
                                        

At dahil mahal ko kayo... narito ang gift ko sa inyu.Salamat talaga sa pag intindi.

*********

RESE'S POV:

Simula noong kunin ni Xenon si Xia ay di na namin ito nakasamang muli pa.Sa tuwing lalapitan namin  siya ay umiiwas ito sa amin,at naiinis ako sa isiping yun.Para bang wala kaming pinagsamahan sa inakto niya,parang kinalimutan niya lahat.Isa din ay,mas lumala ang pambubulas kay Ash ngayon.Hindi ko na alam ang gagawin.Nakikisali na rin ang iba at ang nangunguna roon ay ang grupo ng baseball players sa Class 11-E,at sa pagkakaalam ko ay Boggy ang pangalan ng lider nila.Sa mga nambubulas din sa kanya ay hindi mawawala si Xenon na siyang puno't dulo ng lahat,at hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit niya yun ginagawa kay Ash.Gusto ko mang pigilan sila at ipagtanggol si Ash ay di ko magawa,siya pa nag nambabanta sa akin kapag tutulungan ko siya.Idagdag mo na ring hindi ako ang pinupuntirya nila.

Tila mas naging komplikado at nagbago ang takbo ng mga bagay bagay sa paligid namin.Kasali na roon ang pagsama-sama ni Vina sa amin,at meron din akong napansin dito.Sa tuwing kasama namin siya ay lagi itong aaligid kay Ash at sobrang napaka-clingy.At ito namang Ash ay nilalayo ang sarili kay Vina dahil ayaw nitong may humahawak sa kanya.Isa din ay sa tuwing magkasama kaming tatlo ay parang inilalayo ako ni Vina kay Ash?Hindi ako siguro,baka naging paranoid lang ako.

"MISS TAMPUS!ARE YOU DEAF OR SOMETHING?!",bigla akong napalundag nang marinig ko ang sigaw na yun.

Patay....

Dahan dahan kong hinarap ang guro namin at di ko mapigilang mapangite ng mapakla nang maabutan ko itong masamang nakatitig sa akin at halatang galit.Nakalimutan kong nandito pa pala ako sa classroom.

"Po?",tanong ko na siyang mas ikinagalit nito.

Pucha!Lecheng bibig toh!

"PO?!yun lang ang masasabi mo Miss Tampus?!You're not listening to my discussion are you?!",inis niyang anas.

"Sorry...",tanging naibulas ko dahil tama ito.

"Get out",biglang sabi ng guro na siyang ikinataas ng ulo ko.

"Po?"

"You need to get out.Pinapatawag ka ng dean",dugtong niya na siyang ikinakunot ng noo ko pero sinunod ko na lang rin siya.

"I hope this will never happen again Miss Tampus.Just be happy that luck is with you this time",sabi pa nito bago ako makalabas ng room.

"Y-yes ma'am",sagot ko.
 
Agad kong nilakbay ang daanan patungo sa dean's office pagkalabas ng silid, at habang naglalakad ako patungo roon ay hindi ko maiwasang mapaisip sa posibleng dahilan kung bakit ako pinapatawag ng dean.

"Great. Nandito ka na Miss Tampus. Have a seat",bungad agad ng dean sa akin nang makita ako.Sinunod ko rin utos nito.

Hindi na rin ito nagpaligoy-ligoy pa at sinabi na nito ang pakay nito.

"So pinapatawag kita ngayon Miss Tampus upang pag-usapan ang pagiging exchange student mo dito sa paaralan,and i know you already have an idea where this conversation leads to.",aniya na nagpabagsak balikat sakin at the same time ay nagpabigla sa'kin.

w-why?...i'm not ready yet.

"It is time Miss Tampus. We already have decided.Tomorrow will be the exact day.You can go back to you're school. Thank you for your time in attending Wildford Academy, and i hope you enjoyed in here",patuloy ng dean at napatitig ako dito.May sinabi pa ito ngunit ni isa ay wala akong maintindihan.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon