RESE'S POV:
"Good morning!",usual kong bati kay Ash tuwing umaga.Tatalikod na sana ako upang ipagpatuloy yung ginagawa ko ng bigla din siyang bumati pabalik sa'kin.
"Morning din!!!",galak niyang bati.
Tila nanigas ako sa narinig.
D-did she just respond my greetings in a cheerful way??!!!
"Hoy Rese baby!Bat ka nanigas diyan?!",sabi niya uli at tulala na naman ako.
Jusko ko lord!!anong nangyayari sa 'Cold na Ashton' namin?!Bat siya nagkaganyan?Sinapian ba siya?!O nanaginip lang ako?!
Sinampal ko naman ang mukha ko.Pero pucha!!ang sakit!!hindi ako nanaginip ngayon!!
"The dyosa is here!!!",natigil ako sa pag-iisip ng dumating si Xia.Lalapit na sana ako sa kanya upang sabihin ang nasaksihan ko ngayon nang bigla nalang tumakbo si Ash papunta sa kanya sabay yakap.At ang mas malupet!kiniss siya sa cheeks nito!!
"Ang cute mo talaga!!",parang batang sabi ni Ash kay Xia sabay kurot ng magkabilang pisngi ni Xia,pagkatapos ay umalis ito at naupo sa sofa gilid ko.
Nang tingnan ko ang mukha ng bruha ay tulala ito at nanlalaki ang mata.Mabagal at malalim din ang kanyang paghinga na animoy mamamatay na sa narinig at nasaksihan.Mas malala pa ang expression niya ngayon kaysa sa akin kanina.
"Rese!Anong potion ang pinainum mo sa kanya nang mahingi ko!!",sigaw ni Xia sa'kin sabay turo kay Ash na nanonood na ngayon ng Anime sa TV habang nakadantay ang mga paa sa mini table sa kanyang harapan.
Nangunot naman ang noo ko sa narinig.
"Potion?!Anong akala mo sa'kin,mangkukulam?!",sigaw ko rin kay Xia.
"Eh yung pinakain mo nalang!",utas niya uli.
"Anong pinakain?!Wala akong pinakain bruha ka!Miski ako nga hindi alam kung bakit siya nagkakaganyan!"
"Ayy,talaga?",parang natauhan nitong sagot at parang nanghihinayang.
Adik
Napalingon naman kami kay Ash ng bigla itong nagsalita.
"Ah!Maliligo pa pala ako!Hintayin niyo ako ha?",parang bata nitong sabi samin sabay tayo at lakad papunta sa banyo.
Napahagikhik naman kami ni Xia ng marinig namin na kumakanta ito habang naliligo.
"Hindi mo ba talaga alam kung bakit siya nagkaganyan Rese?",natatawa paring ani ni Xia.
"Hindi talaga",sagot ko.
Nagulat naman kami ng lumabas ng banyo si Ash habang pang-ipit lang ng kanyang dibdib ang suot na pang itaas (pero nakatuwalya sa ibaba)sabay sabing...
"Tapos na ako!!!"
"Oh God!Bigyan mo siya ng shirt Rese!Baka may makakita pa sa kanya!",tarantang sabi ni Xia sakin.Dali dali naman akong pumunta kay Ash at pinasok siya sa kanyang kwarto.
"Phew!",sabay naming ani ni Xia matapos kong maipasok si Ash sa kwarto.
"Mukhang delikado sa kanyang pumasok ngayon",si Xia.
"You're right",sang ayon ko.
Maya-maya,nang matapos si Ash sa pagbibihis ay kinausap namin siya.
"Ash kailangan mong dumito muna",sabi ko agad.
"Bakit naman?",pout nitong sagot at nang tingnan ko si Xia ay nagtitwinkle ang mata nito habang nakatitig kay Ash.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
