RESE'S POV:
"Rese,pakiabot ng disposable spoon",pakiusap ni Ash sa'kin habang kumakain kami dito sa labas.
Nandito kami ngayon sa east side ng school na kung saan may mga puno at meron ring mga benches at tables.Yung tambayan ng kuya ni Xia kasama ang mga kaibigan nito.Puno na naman kasi yung cafeteria.
"Uy may naisip ako",daldal ni Xia at itinuon naman namin ang pansin sa kanya.
"Diba malapit na yung sem. break?Ba't di kaya natin subukang magbonding?Punta tayong beach ganun?O di kaya mamasyal tayo",pagpapatuloy nito.
Agad akong na-excite sa sinabi niya.
"Magandang ideya yan Xi.Sige,gagawin natin yan",sang-ayon ko at di matatago ang saya sa tono ko.
"Kaya nga...So plano na yan ah?",sagot niya.
Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Ash.
"Bago niyo pagplanuhan yang bagay na yan,magreview na muna kayo.Malapit na yung exam",aniya.
"Haist!Kainis ka naman Ash eh.Panira ka.Ang KJ mo talaga",masungit na sambit ni Xia.
"I'm just stating the fact here",poker-faced nitong lintaya.
"Oo na,nakalimutan ko na yun eh. Pinaalala mo uli"
"Ewan ko sayo",badtrip na anas nito.
"Uy!Pangit!Andito pala kayo",biglang lintaya ng pamilyar na boses at napaharap kami sa pinanggalingan nun.
"Malamang,puno naman kasi yung cafeteria",pamimilosopo ni Xia.
"Suplada mo talaga",ngiseng saad ni Mat.
"Eh ano ngayon?"
"Tsk,wala bang araw na hindi kayo magbabangayan?",badtrip na lintaya ni Red.
"Wala talag---"
"Tumigil ka nga Xia.Mahiya ka naman.Para kang walang 'syota' na kasama sa inaasta mo",singit ni Xenon at idiniin talaga yung salitang syota.
Hmm.. i smell something fishy..
"Sinong syo--Eh ano naman ang kinalaman niya doon?",bawi niya.
Kinareer talaga ng bruha ang pagiging mag-syota nila ni Ash kuno.hahaha
"Malaki.Kung ako sa kanya,hihiwalayan ko na ang sobrang napakaingay at spoild brat na kagaya mo",asar nito.
"Aba't!--Naghahanap ka ba ng away kuya?",inis nang tanong ni Xia sa kapatid.
"Ano sa tingin mo?"
"Haist!Ewan ko sayo!Mais-stress lang ako kapag nakikipag-usap pa ako sayo.Lalo na sa banig na kasama mo"
"Nasi-stress pala ang isang kagaya mo pangit?Bago yun ah",asar ni Mat at biglang umupo kasama namin.
"Hep!Anong ginagawa mo?Lugar namin to",Xia.
"Wow,nahiya naman ako sa iyo.Parang hindi rin kayo nakiupo samin nung isang araw ah"
"Ah.. eh.. emergency naman yun. Kasi nga walang bakanteng table sa cafeteria diba?",napapahiyang saad ni Xia.
"Kahit na pangit.Tsaka di mo ba alam na itong pwesto niyo eh teritoryo talaga namin?"
Mukha nga...dito ko rin kasi sila nakikitang umuupo kapag pumupunta sila dito..
"Don't worry,we will leave if that's what you want",biglang sambit ni Ash sa malamig na tono at akmang tatayo na ngunit bigla siyang pinigil ng kapatid ni Xia.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
