RESE'S POV:
"Nangangailangan ba kayo ng tulong dito?",dating ni Ma'am Claire.
Nandito kami sa coffee shop ngayon.Hindi ito tuluyang nagsara buhat nung araw na pumunta kami sa kanila.Kakaiba rin kasi itong si Ash.Parang may magic ang mga salita nito.Sa simpleng salita niya lang ay may pagbabago nang magaganap.
"Hindi na po.Kaya na po namin",ngite kong sagot.
"Ganun ba,osige papasok muna ako sa office"
"Sige po",sagot ko at nginitian ako nito bago umalis.
"Hey,espresso with extra hot water added and espresso with steamed milk and foam.Also,two slice of strawberry cake",bigay ni Ash sa order at agad ko naman naming ginawa ni Ralph.
Nang matapos ay ibinigay namin sa kanya ang order the customer at inihatid niya ito.
"Hindi ba sayang yung mga natitirang araw ng sembreak niyo sa pagpunta niyo dito?",biglang tanong ni Ralph.
"Naku Ralph,hindi no.Wala naman kasi kaming gagawin sa boarding house matapos yung outing namin",sagot ko.
"Kahit na.Pahinga niyo yun"
"Oo nga,pero ayaw kong pahilata-hilata na lang sa tinutuluyan ko eh.Ganun din si Ash"
"Hala,osige.Panalo ka na haha",tawa niya.
"Nga pala Ralph,matanong ko lang.Saan ka pala nag-aaral?Kakaiba kasi yung schedule ng klase mo.Parang ang bihira lang",tanong ko.
Ang mga ngite nito ay napalitan ng lungkot na siyang ikinabahala ko.Babawiin ko na sana yung sasabihin ko nang magsalita siya.
"Hindi ako nag-aaral",malungkot nitong sabi."Tsaka kasalanan ko rin naman iyon.Ang tigas rin kaso nang ulo ko eh",dagdag niya.
"Bakit?Ano ba ang nangyari?",tanong ko.
Matagal bago siya nagsalita"I'm an ex-convict Rese",saad niya at hindi ko mapigilang magulat but not to the point na matatakot ako sa kanya.
"Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa iyo.Alam kong natatakot kana sa'kin.Pero wag kang mag-alala.Hindi totoo yung akusasyon sa'kin napagbintangan lang ako,at alam yun ni Ma'am Claire.Isang taon lang din akong nakulong",aniya.
"No.Hindi ako natatakot sa iyo.Nagulat lang ako.Tsaka alam ko namang hindi mo kayang gumawa ng masama.Sa bait mo ba naman",sincere kong sabi.
"Salamat talaga Rese.Akala ko na hindi mo ako kakausapin eh o di kaya magreresign kana"
"Hahaha hindi naman ako uri ng taong manghuhusga agad.Tsaka hanga din ako sayo.Hindi ka nagdadalawang sabihin ang bagay na iyon sa'kin kahit hindi tayo gaanong magkakilala"
"Ewan ko rin.Parang feeling ko maiintindihan mo ako at tama nga",aniya at napangito lang ako.
May pinagkukwentuhan pa kami at natigil lang iyon ng magsidagsaan na ang mga customer.Abala na kami sa pag-aasikaso nito hanggang sa dumating ang hapon.
"Bye Ralph.Ingat ka",paalam ko sa kanya nang matapos naming maisara ang shop.
"Kayo rin",aniya at nginitian ko lang ito.
"Tara na Ash",aya ko kay Ash na cool na nakasandal sa kanyang motor.
Tinanguan lang ako nito at umangkas ng sasakyan niya,at sumunod din ako.Habang nasa byahe kami ay naalala ko yung tinext ni Xia sa'kin kaninang umaga.Nagtext kasi ito sa akin kanina na hindi muna ito sasama samin sa coffee shop at nangyari nga, ngunit nakalimutan kong tanungin kung bakit.Anyway,baka may lakad siguro...
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Ficção AdolescentePaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
