RESELLE/RESE'S POV:
"Walang anuman iha",ngiteng sabi nito."By the way Xia, kailangan kong makausap ang ama niyo.Sabihin mo sa kanya na pumunta ng mansion mamaya",utos ng dean.
"Okay po",sagot naman ni Xia."Sige alis na po kami"
"Osige"
Nang makalabas na kami ay agad naming isinarado ang pintuan,ngunit nang haharap na kami sa dadaanan ay pareho kaming napasinghap ni Xia nang may biglang nagsalita sa kung saan.
"Bakit ayaw mo pang umalis?",tanong nito uli, at hinanap naman namin ang may-ari ng boses na siya palang kay Ash.Nakasandal siya sa dingding malapit sa amin habang nakayuko at pinag-cross ang mga braso sa harap ng dibdib.
Itinaas nito ang ulo at derecho akong tinitigan sa mata"Bakit mo pa pinagpipilitan na manatili dito?"
Alam niya na ba?Narinig niya ba kami?.
"I-ikaw pala Ash.Ah eh..anong sinasabi mo?",balik kong tanong sa kanya. Nagbabakasakaling iba ang tinutukoy niya.
"Don't make fool out of me.You know what i mean",ma-owtoridad niyang sabi.
Haist,wala ka talagang maitatago sa babaeng ito.
"Fine.",suko ko "Kasi ayaw ko pa.Gusto ko dito",sagot ko sa tanong niya at kumunot ang kanyang noo.
"Gusto mo dito?Are you numb?Naranasan mo naman kung gaano kalupit ang ibang tao dito diba?At yang ulo mong yan ang pruweba",pahayag niya sabay turo sa ulo kong may benda.
Biglang sumabad si Xia"Pero Ash,magagawan rin naman yan ng paraan.Sasabihin ko kay lolo na wag itigil ang imbistigasyon hangg'at di nahuhuli ang gumawa nito kay Rese"
Humarap si Ash sa kanya "You two really don't understand me.Bahala kayo, gawin niyo gusto niyo...Pero ito sasabihin ko,wag na kayong lumapit pa sa'kin at kapag magmamatigas kayo,ako ang lalayo.At kapag sinasabi kong lalayo,di niyo na ako makikita pa",malamig niyang sabi sa huli sabay lakad paalis.
"H-hindi naman siya seryoso dun diba?",si Xia sabay tingin sa'kin ng malungkot.
"She's serious Xi",malungkot ko ring sagot sa kanya. "Sorry kung nadamay ka pa.Siguro nga mali yung ginawa ko.Di ko na dapat pinagpipilitan pang manatili dito kung hindi naman talaga pwede"
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan bruha ka.May pag-asa pa tayo.Alam mo bang hindi pa nagreport yung studyanteng kapalitan mo?"
Gulat akong napatingin sa kanya"Huh?!Bakit?"
"Hindi ko rin alam.Yun nga ang gustong malaman ni lolo.Alam kong hindi niya ito sinabi sa iyo,at hindi ko siya masisisi dahil isa yun sa prinsipyo niya.Kapag alam na niya lahat at sigurado na siya sa kanyang nalalaman ay doon niya lang sasabihin"
"Kaya pala",naibulas ko
"Kaya pala ano?"
"Kaya pala parang hindi na napakaimposible sa kanya ang gusto kong mangyari, di tulad noong nagkausap kami bago ako nadisgrasya"
"Tama ka.Nga pala Rese..susundin ba natin ang sinabi ni Ash?Lalapit pa ba tayo sa kanya?",tanong niya.
"Mas makabubuti kung wag na muna Xi.Baka mas magalit pa yun.Lalong lalo na't nag-away na naman sila ng kuya mo.Alam mo namang hindi basta-basta papatol si Ash kung hindi sobrang nagalit o nainis",sagot ko.
"Yeah, you're right.Speaking of kuya... grrr!! nakakagigil na talaga ang lalaking yun!Wala nang ginawang tama!"
"Right,tara na nga",sa halip ay aya ko dahil baka pati ako mainis pag ipagpatuloy niya pang sampitin ang pangalan ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
