Chapter 89

4.1K 227 28
                                        

RESE'S POV:

"Mauna na ako",Ash at hindi naman kami nito hintay'ng makasagot at umalis na.

Ibinalik ko naman ang atensiyon kay Xenon na nasa unahan at nakatitig sa papalayong bulto ni Ash.

Napabuntong-hininga naman ako.

Apat araw na din ang nagdaan mula ng magsimula ang ganitong set-up sa pagitan nilang dalawa,at apat na araw na rin namin ni Xia gustong itanong kay Ash ang rason kung bakit sila nagkakaganito.Sinubukan na rin ni Xia tanungin ang kapatid niya ngunit wala siyang nakuhang sagot dito.Sa totoo lang ay naaapektuhan din kaming dalawa ni Xia sa nangyayari sa kanila,minsan na lang kasi naming nakakasama si Ash dahil sa tuwing nasa paligid lang si Xenon ay agad siyang umaalis.Halatang iniiwasan niya to.

Kung hindi ako nagkakamali ay may koneksiyon itong nangyayari sa kanila noong araw na yun...

FLASHBACK...

"Thank you sa paghatid Xi",anas ko pagkababa ko ng kotse.

"No prob. bruha.By the way,ang dilim ata ng bahay",aniya habang nakatingin sa boarding house saking likuran.

Tumingin naman ako sa likuran at tama nga siya.

"Oo nga",sang ayon ko."Baka,hindi pa nagising si Ash",sabay harap sa kaniya.

"Baka nga.Sige,aalis na kami.See you bukas",aniya.

"Sige"

Hindi nga nagtagal ay umalis na ang mga to.Agad rin naman akong pumasok ng gate.Nang buksan ko ang pintuan ng bahay ay bumungad naman sa'kin ang dilim.Agad kong kinapa ang switch at in-on ito.Agad naman akong dumerecho sa kwarto ko at nagbihis.Pagkatapos ay lumabas at pumunta ng kusina upang magluto ng hapunan.

Nang matapos ako ay lumapit naman ako sa kwarto ni Ash kinatok ang pintuan.

"Ash?",tawag ko sa kanya ngunit wala man lang sumagot.Kaya inulit ko pa ngunit wala pa rin.

Ilang beses ko itong inulit ngunit ni minsan ay hindi ko narinig ang boses niya.Para bang walang tao sa loob.

Sinubukan kong ikutin ang door knob at laking gulat ko ng bukas ito.Nilakihan ko naman ang bukas ng pintuan,at tama nga ako wala ngang tao sa loob.Agad akong pumasok at naglakad palapit sa kama niya.Sinubukan kong buksan ang nakatakip na kumot ngunit wala talaga ito...

Pero teka,sa banyo kaya?

Aalis na sana ako ngunit agad rin akong natigil nang mahagip ng aking paningin ang phone niya sa ibabaw ng drawer.Kumunot ang noo ko.

Pinulot ko ito,at kasabay ng pagpulot ko ay biglang itong tumunog kasabay ng pag-pop up ng isang notification.Nang tingnan ko ang notification bar ay hindi ko mapigilang magulat ng makitang ang dami nito.Mga missed calls at messages ito, at galing ito sa dalawa lang na tao.Wala sa sarili ko naman itong pinindot at agad itong nag-open,wala kasing password itong phone ni Ash.Binasa ko naman yung bagong dumating na message at agad na nangunot ang noo ko sa nabasa.Sa curious ay isinunod ko ang iba,at isa lang ang naintindihan ko.....

Yun ay death anniversary ngayon ng nanay ni Ash....

Wala naman akong sinayang na oras at tinawagan si Xia at pinaalam ito sa kanya kasama na yung pagkawala ni Ash.Sinabi ko rin ang plano ko na hanapin si Ash at sumang-ayon naman ito.

Nang dumating na si Xia kasama ang driver niya ay agad naming sinimulan ang paghahanap.Kahit saan-saan na kami nagpunta ngunit hindi namin ito nakita.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon