Chapter 24

7.8K 332 38
                                    

Tumawa ito na parang baliw"Malakas ka",mangha nitong sabi."Pero pano nangyare yun eh babaeng-babae ang dating mo sa'min.",dugtong niya at biglang namang may namuong galit sa dibdib ko.Ang sarap sapakin sa mukha ang lalaking to.Hindi nila pwedeng malaman ang totoo.Hindi ako makakapayag.

"Oh really?",ani ko sabay ngise.Mukha namang gulat sila sa bigla kong inasta."Sabihin niyo,sa anong paraan ako nagmumukhang babae sa inyo",dugtong ko habang suot parin ang mapang-asar na ngite.

"Alam kong alam mo lalaki",angas paring turan nito.

"Hindi ko alam...Ang alam ko lang ay mga bakla tong kaharap ko",panunuya ko sa kanila.At ang dati nilang angas ay napalitan ng galit.Ang sasama ng tingin nila sa'kin.

"Mas mabuti pang simulan na natin to!",biglang sigaw nung may dalang baseball bat at sumugod sa'kin.Hahampasin sana ako nito pero umiwas ako.Sumugod na rin yung iba.

Naman oh!

Lalaban na sana ako nang biglang nahagip ng mata ko ang isang bulto ng taong papalapit samin.

"Hoy!Wag kayong magkalat dito!",sigaw ng pamilyar na boses.

"Shit",anas ko ng mapalo ako sa likod.

Bwisit na lalaki.Bat ngayon pa ito umiksena.

Ang abnong nakabanggaan ko kanina ang nandidito ngayon at takang nakatingin samin.Mukhang di din ako nito namumukhaan dahil sa dilim ng paligid.Hindi ko na sana siya pagtuonan ng pansin pero nakita kong hahampasin siya,kaya agad akong sumugod sa kinaroroonan ng lalaking hahampas sa kanya sabay sipa sa kamay nito.Tumilapon naman agad ang baseball bat na hawak nito.


















XEN'S POV:

Habang papalapit ako sa pinagparkingan ng kotse ko ay may nakita akong mga taong nag-aaway.At ang nakakagago ay lumapit pa ako,hindi ko maintindihan ang sarili ko at pinuntahan pa yun.

"Hoy!Wag kayong magkalat dito!",inis kong sigaw.Malapit-lapit lang din yung kotse ko sa kanila at baka madamay pa yun.Mahal bili ni lolo nun.

Sa pagsigaw ko ay nahampas yung taong nasa gitna.Pero ang mas nakakagulat ay agad itong tumakbo sa kinaroroonan ko.Napahakbang naman ako patalikod.

What is he going to do?

Nangunot naman ang noo ko ng lagpasan ako nito at marinig ang pagkatilapon ng isang matigas na bagay.Humarap ako sa likod at nakita siyang kaharap ang di ko kilalang lalaki.May nakita din akong baseball bat malayo-layo sa amin.At hindi ako bobo para hindi malaman ang nangyayari.

Bat niya ako niligtas?

Titig lang ako sa kanila nang bigla siyang lumingon sakin.Agad nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha niya.Nabitawan ko din ang dalang plastic bag laman ang pinabili ni mom.

Sh*t!Anong ginagawa niya dito?!And why the h*ll i'm reacting this way?!

Inilihis ko ang titig ko sa kanya at tinignan ang nahulog kong dala.Mags-squat na sana ako upang pulutin yun nang naramdaman kong may kamay na pumulupot sa leeg ko sabay hila.Tila nagslow-mo ang pangyayari,malapit pa akong matumba.Naramdaman ko nalang na lumapat ang katawan ko sa taong humila sakin paharap.Mukha kaming magkayakap ngayon.

Klang!

Rinig kong tunog ng pagkakahampas ng matigas na bagay malapit saking likoran.

Nanlalaking mata nang lingonin ko ang taong kinaiinisan ko na ngayong medyo kayakap ko.Siya lang naman yung kaharap ko kanina kaya alam ko agad na siya ang humila sakin at........

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon