Chapter 29

8K 397 48
                                        

ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

"Ash okay ka lang ba talaga dito?",pang sampu na yang tanong Rese.

"Oo nga",iritable kong sagot.Pinapapasok ko kasi siya  ng school kahit ayaw niya,kesyo daw sasamahan niya ako dito sa boarding house.Ayaw ko ng ganun.Hindi ibig sabihin na kung hindi ako papasok ay siya rin.Kahit masakit pa rin tong katawan ko ay kaya ko naman ang sarili ko.

"Sure ka ha?Sige pasok na ako.Kung may problema tawagan mo lang ako",aniya.

"Oo na",ani ko at ipinatong ang mga paa sa mini table saking harapan at in-on ang tv.

"Thanks by the way",pahabol ko.Mula kasi nang malaman niya ang nangyari sakin kahapon ay inaalagaan niya ako.She's over reacting.Muntik pa nga niyang sugudin ang vice president ng student council kung hindi ko lang pinigilan.Mabuti nalang din wala si Xia,dahil kundi wala akong magagawa.

"Welcome",aniya at umalis na nga.

Nilibang ko naman ang sarili ko sa panonood ng TV. Habang nilipat-lipat ko ang channel ay may naagaw ng pansin ko.It is a global news.

"Until now,our great young scientist was not yet found.Investigators from different countries are now joining forces.Rumor says that the young lady was dead after discovering her secret house exploded but the search was not stopped because here was no trace of her dead body. Even leaders are now taking actions.On------"

Di ko na tinapos ang balita at pinatay ang TV.I would be glad if they won't search for me.In my situation,i need to stay hiddin.Alam kong hindi magtatagal at malaman rin ng lahat kung nasaan ako at sino ako.Ang magagawa ko nalang ay habaan iyon.

Ibinaba ko ang aking paa at tumayo.Magpapahinga ako sa loob ng kwarto ko tutal wala naman akong gagawin dito.

Hindi pa ako nakaaabot sa pinto ng mapansin ko ang itim na supot na puno na ng basura.

Nakalimutan siguro ni Rese ilabas.

Kinuha ko ito at naglakad palabas.Inilagay ko ito sa labas ng gate tutal may mga kokolekta naman nito.Babalik na sana ako sa loob ng may pamilyar na mga boses akong narinig.Tinignan ko kung saan galing iyon at nakita sila Sky,BM,Leonardo,Da Vinci at Francis.Kinakausap nila ang kapitbahay naming matanda na nagwawalis ng bakuran.Nagtatananong ata.

Plano ko sanang magtago ngunit huli na dahil nakita na ako ni Sky.

"Angel ko!",sigaw nito at patakbong lumapit sa'kin.Lumingon din ang iba sa kinaroroonan ko at naglakad papalapit.

"Anong ginagawa niyo dito?",agad kong tanong sa kanila,pero sa halip na sagutin ako ay tinitigan lang nila ako mula ulo hanggang paa.Na-conscious naman ako sa sarili ko.Sinipat ko ang katawan ko at wala namang problema maliban sa pasa at sugat ko.

Tsaka normal lang naman itong suot ko na T-shirt na tinanggalan ng manggas at short na Phineas and Ferb sa kalagayan ko ngayon.Sa suot ko,hindi nito masasagi ang mga pasa at sugat ko.Lalong lalo na ang noo ko dahil itinali ko ang nakaharang kong buhok dito.

"Hey.Tinatanong ko kayo",mukha naman silang ewan dahil may pakurap-kurap pa silang ginawa bago pinansin ang sinabi ko.

"Ah ano k-kukumustahin ka l-lang sana n-namin",nauutal na sagot ni B.M.

"Okay lang ako",tipid kong sagot at pumasok na ng gate.Hindi pa ako tuluyang nakalapit sa pintuan ng boarding house nang maramdaman ko ang presensiya nila sa likod kaya huminto ako.

"Ang sabi ko ayos lang ako.Pwede na kayong umuwi o bumalik sa school",sabi ko sa kanila ng hindi nakalingon.

"Maki-inum lang sana kami ng tubig",sagot ni Leonardo.Nilingon ko sila.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon