XENON'S POV:
"Ilag!",sigaw ni Xia habang papalapit ako sa kinaroroonan nila.Naglalaro sila ng volleyball nang abutan ko sila.
"Sh*t",anas ko ng matamaan ako sa dibdib.Huli na upang makailag ako.
Sinamaan ko naman ito ng tingin at lang peace sign lang sa'kin ang baliw kong kapatid.Naiclick ko na lang ang dila ko at napagpasyahang umupo sa tabi ni Red.
"Ang tagal mo atang gumising",anas ni Red nang makaupo ako.
"Hindi ako agad nakatulog kagabi",sagot ko habang ang tingin ko ay nasa kanila pa rin na naglalaro ng volleyball.
"Why?",tanong niya.
"I just can't",sagot ko at hindi na naman ito nagtanong pa.
Pinanood lang namin silang naglaro.Halos lahat ng mga kasama namin ay sumasali sa laro maliban kay Ash,yung kasama niyang laging tulog at kami ni Red.Speaking of Ashton,umuupo lang din ito habang nanonood sa laro.Pero hindi kalaunan ay biglang gumising yung natutulog na lalaki sa tabi niya at nag-usap silang dalawa.At habang pinanood silang dalawa ay hindi ko mapigilang macurious dahil ang seryoso ng mga mukha nito.Hindi sila ganoong malapit sa'min kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nito.
Habang matiim ko silang tinitigan ay automatiko akong napabalik sa laro sa aking harapan nang biglang tumigil ang ingay mula sa kanila.At sa pagharap ko ay bumungad sa'kin ang grupo ng mga kalalakihan na hambog na nakatitig sa kanila,lalo na sa mga kaklase ni Ashton habang hawak ang bola na ginagamit nila sa laro.Pinulot siguro ng mga to matapos tumalbog malapit sa kanila.
"Salamat sa inyo sa pagpulot ng bola",saad ng kaibigang babae ng kapatid ko.
Ngumise ng mapanglaro yung may hawak ng bola "Of course,bastat sa inyong dalawa",anas nito at kinindatan ang kapatid ko at ang kaibigan niya.Awkward na ngiti lang ang naisagot nilang dalawa.
Sa mukha palang nito ay walang magandang maidadala ang mga to.They're jerks if i'm not wrong.
"Bago ko ibalik tong bola niyo.Gusto sana naming sumali kung okay lang sa inyo.Kanina pa namin kayong lahat pinanood eh.Mukhang masaya tong ginagawa niyo",saad pa ng lalaking may hawak ng bola at inilibot ang tingin sa mga taong nanonood sa laro.
"Sure",sagot ng kapatid ko at pekeng ngumite.
Agad na sinimulan nila ang pag-uusap ng team.At sa huli ay napagdesisyonang ang kaninang mga lalaki ay sa kabilang side ng net lahat habang sa kabila naman ay ang grupo ng kapatid ko at para maging balanse ang bilang ay iba sa kanila ay hindi naglaro.Bale sina Mat,Xia,yung kaibigan niya na si Rese at ang tatlong kaklase ni Ashton ang maglalaro laban sa mga lalaki.
"Start!",sigaw ng kapatid ko at nagsimula na nga ang laro.
Unang nagserve yung grupo ng kalaban at agad naman itong naagapan nina Mat hanggang sa maka-points sila.Habang patuloy ang laro ay unti-unting dumadami ang mga taong nanonood hanggang sa may nagch-cheer na.Napailing na lang ako sa nangyayari.Kasabay rin ng cheer ng mga tao ay napapansin ko ring unti-unting naging marahas yung mga lalaki sa laro.Para bang nagpapakitang gilas ang mga ito na siyang nakakabwisit.
"Awh!",daing ng kaibigan ng kapatid ko matapos itong tamaan ng bola at mapaupo sa buhangin.
Agad itong dinaluhan nina Mat at tinulungang makatayo.
"Sorry.Hindi ko sinasadya",hingi ng tawad ng humampas ng bola at kung ako lang ba yung nakapansin o sila rin ay hindi ito bukal sa loob ang hingi nito ng patawad.
"Okay lang",sagot ni Rese.
"Mas mabuti pang magpahinga ka na muna doon.Mukhang pagod kana rin naman",anas nung isa sa kambal.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
