Chapter 79

5.2K 302 30
                                    

RESE'S POV:

"What are doing here?",malamig na lintaya ni Ash sa dumating na si Xenon.

"I told you.I can't do it",malungkot na sagot ni Xenon.

"Tsk",anas ni Ash at nauna nauna nang umalis samin.

Okay,may nangyari ba na hindi namin alam?

"Ash may nangyari ba?",tanong ko sa kanya ng maabutan namin siya ni Rese.

Nanatili siyang tahimik.

"Bruha,we have a mission",bulong ni Xia sa'kin "And that is to find out about what's happening between them",dagdag niya sabay ngise.

Napangite naman ako at tumango.

"Bruha,hindi ka ba nagtataka na kung bakit ngayon lang uli nagpapakita si kuya kay Ash pagkatapos dumaan ng ilang mga araw?",tanong ko sa kanya habang hinihintay namin ang susunod na subject teacher.

"Oo nga no.Sa pagkakaalala ko eh lagi iyong sumasama sa atin lalo kay Ash.At isa rin iyon sa ipinagtataka ko pa.Dati silang mag-kaaway pero kung makaaligid siya kay Ash parang walang masamang namamagitan sa kanila noon"

"Di ba pwedeng nagbago na iyong kuya mo?"

"Possible naman pero may kakaiba rin sa ikinikilos niya eh.Lagi niyang itinatanong sa akin si Ash.Para bang interesadong-interesado siya.At kung tatanungin ko naman siya sa dahilan agad niya itong iniiwasan.Isa pa,sa tuwing napapahamak si Ash ay lagi siyang najan para tulungan siya",aniya ngunit maya-maya ay bigla siyang suminghap."Di kaya....",aniya.

"Ano?"

"Nah,impossible",pero maya-maya'y sabi niya.

"Ano nga"

"Wala,wala"

"Isa",banta ko.

"Nah,hindi na importante yun"

"Dalawa.Tat---"

"Fine",aniya.

"So?"

"Naisip ko.Di kaya----"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil dumating na ang Basic-Cal teacher namin.

"Mamaya na lang",sabi ko sa kanya.

Nang maging maayos ang lahat ay agad na nagpaquiz ang guro tulad ng sinabi nito sa amin kahapon,habang ang sumunod na mga teacher ay nagdiscuss at nagpa-group activity lang.

"Rese",biglang lapit ng isa namin habang nililigpit ko ang gamit ko.

"Oh,Riza"

"Maglu-lunch na ba kayo?",tanong nito.

"Oo.Bakit?"

"Uhmm...kasabay niyo ba uli si Ashton?"

"Oo"

"Uhmm..pwedeng sumabay sa inyo?"

Nagbigla ako sa sinabi nito.

"S-sure"

"Anong nangyayari dito?",dating ni Xia na galing sa banyo.

"Uhm,gusto niyang sumama sa atin kumain",sagot ko.

Agad na tumaas ang kilay ng bruha ngunit saglit lang ito.

"Okay lang naman diba?",Riza.

"Okay lang",hindi ngumingiteng sagot niya.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon