Monday****
ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
Binabasa ko ngayon ang librong binili ko sa NBS noong nakaraang sabado ng may biglang sumigaw na isa sa mga kaklase ko.
"Anjan na si Sirrrrrrrrr!!!!",sigaw nito malapit sa pintuan.Dali-dali namang bumalik ang lahat sa kani-kanilang upuan.
"Morning",masungit na bati ng guro namin sa bio pagkapasok.Yung nagparecite sa'kin unang araw ko dito sa WFA.tch.
"Good morning Sir 'Panoch' ",bati din ng mga kaklase ko sabay tayo bilang bigay galang.
Tingnan mo nga naman oh.Bumabagay din pala sa kanya yung epilyedo niya.haha.
"You!",turo nito sa'kin ng mapansin niyang hindi ako tumayo at bumati sa kanya gaya ng ginawa ng aking mga kaklase."Why are you not standing?",taas kilay niyang tanong sa'kin.Tamad akong tumayo at sinalubong ang mga mata niya.
"Ang hambog mo parin ano?",sarkastiko nitong sabi ng makatayo na'ko.Tiningnan ko lang ang prof. at hindi umimik.
"At pipi ka naman ngayon?",aniya na naiinis.Hindi padin ako umimik na siya namang kinagalit nito.
"Wala ka talagang modo!Get ou---",hindi na natapos ang pambubulyaw ng guro dahil may biglang kumatok sa pinto.
Binaling saglit ni Sir Panot ang paningin sa pinto at humarap ulit sa'kin.
"We're not done yet.",banta niya sa'kin at pumunta sa pinto upang buksan ito.
May kinausap siya saglit sa labas pagkatapos ay bumalik agad sa loob at hinarap ako.
"Pumunta ka sa office ng dean.He need your presence",ani ng guro sa'kin na may galit pa rin sa kanyang mukha.
I think we're done Sir Panot.natawa ako sa naisip.
Lumabas ako ng room at nadatnan ko ang isang babaeng nakasuot ng salamin na kinakausap ang sarili.
Weird
Ng makita niya ako ay bigla naman siyang namula at nahihiyang humarap sa'kin.
She seems familiar..
"Anong kailangan ng dean sa'kin?",tanong ko agad dito at binawala ang naisip.
"H-hindi k-ko a-alam",nauutal at nanginginig na sagot ng babae habang yumuyuko at hindi makatingin sa'kin ng direcho.
Anyare sa kanya?
"May problema ka ba sa mukha ko miss?",kunot-noo kong tanong sa babae.
"H-ha?Ah eh wala",nahihiyang sagot nito.
"Good",ani ko at umalis.
Sumunod naman ang babae sa'kin hanggang office ng dean.Pumasok din siya gaya ko.
"Ano po yon dean?",bungad ko sa matanda na seryosong nakatingin sa'kin.Naramdaman ko namang may mga matang nakatingin samin kaya lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang pamilyar na mga tao na nanginginig sa takot habang may benda ang ang ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.Lalo na yung si taba na naka wheel chair pa eh kamay lang naman yung nabali.tch.
Wait.
Hinarap ko ang babaeng nakasalamin na sumundo sa'kin kanina at humarap uli sa mga taong yun.tch.kaya naman pala pamilyar yong babae.Siya pala yung tinulungan ko sa storage room.Kaklase ko rin ito pero yun nga lang madalas itong pinatatawag sa office ng dean kaya nakalilimutan ko agad.Tsaka buti hindi---
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
