ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
"Listen up class!I have an announcement!",sigaw ni Miss Sheena pagdating niya sa classroom habang hinahampas ang mesa niya pero wala ni isa ang nakinig sa kanya,patuloy pa rin ang mga gunggong sa pinaggagawa nila.
"I said listen!",mas malakas na nitong sigaw at naitakip ko ang kamay ko sa tenga ko,pero hindi pa rin natinag ang mga ungas.
Sisigaw sana uli ito, ngunit bago pa man niya maibuka uli ang bibig niya ay nagsalita na ako.
"Pay attention to her",di kalakasan kong utos ko sa kanila ngunit napansin nila at sinunod ako.
Am i really that scary?
"Thank you Mr.Yu.I didn't know na sinusunod ka nila.Simula ngayon----",i cut her off.
"Just tell your announcement Miss",walang kagana-gana kong sabi.
"O-okay",parang napapahiyang sagot nito."So as i was saying,i have news to the all of you.Alam niyo namang sa ngayong buwan gaganapin ang interhigh right?"
"Eh ano ngayon?",sabad ni Vincent habang nakadantay ang isang paa sa upuang nasa harap nito.
"Boom!One point dre!",si Leonardo at nakipag-apir kay Vincent.
"Makinig nga muna kayo?!This is important class!",galit na sigaw ni Miss Sheena,litaw na din ugat nito sa leeg at noo dahil sa galit na nararamdaman.
Aasarin pa rin sana ni Leonardo ang guro ngunit binigyan ko siya ng may pagbabantang tingin na agad niyang napansin dahil bigla nitong naitikom ang bibig.
"Good",komento ng guro matapos makuntento sa katahimikan ng paligid."So yun nga.Sa susunod na linggo gaganapin ang event.Bakit ko pa kailangang i-anunsiyo?Yun ay dahil malali-laki ang maging parte niyo doon.Napagdesisyunan ng dean na isali ang classroom niyo sa ipapatayong booths para sa kaganapan.At dahil sa inyo tong lugar,kayo din ang bahala ng lahat.Kayo ang mamamahala at kayo ang magdedesisyon kung ano ang maging tema ng booth niyo.Wag kayong mag-alala,tutulungan kayo ng isa sa officers ng student council at ng piling mga studyante sa class 11-A",mahabang pahayag ni Miss Sheena.
"Alam mo Miss Sheena?Nakakagago yang pinagsasabi mo",biglang sabad ni Iman na ikinabigla ng iba dahil madalang lang itong magsalita."Parang pinaglalaruan niyo kami niyan",dagdag nito.
"Tama,anong alam namin jan sa booth na yan?!Akala ko ba malinaw na sa dean ang tungkol sa amin?Bakit niya pa rin ito ginagawa?",segunda ni Cedric.
"Ano bang ginawa namin at paparusahan ng kagaya nun?",si Jay.
"Hindi pa ba sapat yung katotohanang inilahad sa inyo?",si Leonardo
"Quiet!",sigaw uli ni Miss Sheena "Hindi ko din alam okay?!Pero nasisiguro kong hindi ito parusa at higit sa lahat laro.Seryoso ito class,dahil.... dahil...",hindi matapos-tapos nitong sabi.
"Dahil ano?",si Da Vinci habang salubong ang mga kilay nito.
"Nothing,basta hindi ito laro laro lang",sa halip ay sagot ng guro.
"Ano nga kasi,ang arte mo",walang galang na sabad ni Lex.
"Haist!Fine!Seryoso ito dahil nakataya ang buong building na kinaroroonan ng classroom natin!",inis nitong sigaw
"Bakit?Anong kinalaman ng building at classroom namin sa trip ng dean Miss Sheena?",hindi na napigilang sumali ng katabi ko.
Bumuntong hininga muna ang guro bago sinagot ang katanungan ni Sky "Ipapagiba ito ng dean kasama ng abandoned building sa east side"
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Ficção AdolescentePaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
