Chapter 49

7.8K 344 217
                                        

INTERHIGH......

RESELLE'S/RESE'S POV:

"INTERHIGH IS NOW OFFICIALLY OPEN!PLEASE ENJOY TO YOUR HEART'S CONTENT!EXPLORE THE AESTHETICS THAT ARE WAITING FOR YOU!AND MOST IMPORTANTLY!GOOD LUCK TO ALL OF YOU PLAYERS!WISH YOU THE BEST!ASIDE FROM THAT----"

Hindi ko na pinakinggan ang sumunod na sinabi ng school speaker matapos akong makabawi sa pagkagulat nang bigla itong magsalita sa kalagitnaan ng kantang ipinatugtug nila upang magbigay dagdag kasiyahan sa event.Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko papuntang room ko,ngunit hindi pa man ako tuluyang makaakyat sa lapag kung saan ito naroroon ay biglang kong nakasalubong si Xia na nagmamadali.

"Oh thank God bruha at nandito ka na!San kaba nagsusuot ha?!Halika at pumunta tayong classroom nila Ash!",sabay hila sa'kin ngunit pinigilan ko ito.

"Teka nga lang,anong nagsusuot?pumunta akong changing room remember para makapagpalit ng damit dahil pawis na pawis ako pagkatapos nating tumulong sa pagdecorate sa booth ng Class F?At speaking of Class 11-F,bakit tayo pupunta roon eh kagagaling lang natin dun?",nagtataka kong tanong.

"Naku,mamaya na lang yang tanong mo pwede?Malalaman mo rin kapag nandoon na tayo.Kaya halika ka na kasi ang laki nang problema nila doon",sabay hila uli sa akin at nagpapahila na lang din ako kahit naguguluhan.

"Haist!Pano na to?!Tang*na!Tama ba talaga yung sinabi mo dun sa gumawa ng susuotin natin Lex?!Ambobo naman oh oh!",inis na sigaw nung Leonardo kay Lexter ang sumalubong sa amin pagkarating namin sa lugar.

"Hanggang pang-ilan ko bang sasabihin na Oo!Tsaka wag na wag mo akong matawag-tawag na bobo Leo!Hindi ko na kasalanan kung tatanga tanga yung gumawa niyan!Kung may problema kayo dun kayo sa gumawa niyan!Bwisit!",galit na sigaw ni Lexter at nag walk-out pagkatapos tadyakan ang katabi nitong upuan.

Mas nagkagulo pa sila nang tuluyang umalis si Lexter.Kanya kanya itong muraan at reklamo dahil sa problemang hindi ko matukoy kung ano.

"They are still not done with that shit?",napatalon kami ni Xia sa gulat sa biglaang pagdating ni Ash.Nakatayo lang kami kasi dito sa pintuan nila at nanonood sa gulo.Hindi rin naman kami pwedeng sumingit sa kanila baka masuntok pa kami.Galit na kasi ang mga ito.

"Magkakasakit ata ako sa puso dahil sayo Ash!San ka ba galing?Nagkakagulo na tong mga kaklase mo oh",si Xia sabay turo sa kanila.

"Alam ko,that's why i leave",parang walang pakialam na sagot ni Ash.

"Teka nga,ano ba talaga ang pinagkakaguluhan nila?Maayos na naman ang lahat ah?",singit ko.

"See for yourself",tipid na sagot ni Ash habang nakatingin ang mata sa unahan, sinundan ko naman ito at halos mabilaukan na ako sa sarili kong laway nang makita ang inilabandarang damit ng isa sa kaklase ni Ash.

"Maid uniform?!",hindi ko mapigilang sigaw at awtomatikong natakpan ko ang bibig dahil medyo malakas yung sigaw ko,pero wala pa rin palang silbi dahil napatingin pa rin sa akin ang mga kaklase ni Ash.

Isang mahabang katahimikan muna ang namayani bago may nagsalita ng isa sa kanila"Ba't kayo bumalik dito?",kunot-noong tanong nung Vincent.Sa totoo lang ay kilala na namin ni Xia ang lahat ng kaklse ni Ash,sa ilang beses ba naming pabalik-balik dito eh sinong hindi.

Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Leonardo"Pareng Ash!nanjan ka pala.Bakit ka umalis kanina?"

"Ask yourself",masungit na sagot ni Ash at naitikom naman ng lalaki ang bibig nito.Napapansin ko,parang takot at nirerespeto si Ash ng lahat ng mga lalaking to.Last week ko pa tong napansin at ganun din si Xia.Ano kayang nagawa ni Ash at ito ang turing ng mga kaklase niya sa kanya?

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon