Chapter 51

2.3K 41 10
                                    

Haywen's POV

Nagising ako ng 4:30 AM. Tulog pa si Drasic. Bumangon ako saka pumunta sa cr para mag toothbrush. After non ay nag inat ako saka lumabas ng kwarto. Madilim pa pero may nakaopen na isang ilaw sa may tapat ng guest room.

Nandoon kaya sila?

Pumunta ako doon saka sinilip sila. I slowly turn the knob then pumasok ako. WHAT THE!!

Yung kama nakausog then sa comforter sila lahat nakahiga! Tapos ang gulo gulo nung bed sheet sa kama. Then nakita ko si Raze na nakadapa. Di kaya gumulong yun pababa? Hahahahahah!

Aish! Ang gagwapo nila pag tulog!

Amoy alak! Grr! Maging si kuya Zogy at kuya Caleb dito rin natulog. Kasya sila sa comforter. Sobrang laki nga eh.

Then gumalaw si Dennis saka yumakap kay Brixton. Yumakap din si Brixton kay Dennis! WAAAAHH!!!

Nabaling naman yung tingin ko kay Migo na may kayakap na unan. Wow ha

Si Drake naman nakahiga sa bicep ni Harvey. Si Raze nakadapa tapos si Coward nakahiga yung ulo niya sa likod ni Raze. Si kuya Zogy naman...

Naka fetus style amputs!

Si kuya Caleb ay nakagilid lang. Hahaha ang sarap nilang picturan!

Lumapit ako kayla Raze at Coward para ayusin yung pwesto nila. Binuhat ko ng dahan dahan yung ulo ni Coward saka maayos siyang inihiga sa may pwesto niya. Pina straight ko rin yung mga hita niya. Si Raze naman nilagyan ko ng unan yung ulo niya.

Issh! Amoy alak! Feel ko masusuka ako!

Bakit kasi naisipan nilang mag inuman kagabi? Eh may pasok pa kami. Gagobels.

Kinuha ko yung kumot sa kama. Buti na lang at dalawa iyon saka kinumutan ko silang lahat. Buti naman at kasya iyon.

"Hay! Matutulog na nga lang parang bata"bulong ko saka napailing iling ako.

Lumapit na ako sa pinto nang biglang tawagin ako ni kuya Zogy

"Ayeen"sabi niya saka dahan dahang bumangon at napahawak sa ulo niya. "B-bakit gising ka? "Tanong niya. Napatingin ako sakanya

"Kinumutan ko lang kayo kuya eh"sabi ko saka nagkamot ulo.

"Matulog ka pa doon"sabi niya habang nakapikit at nakahawak pa rin sa ulo niya

"Gusto mo ng kape kuya?"tanong ko sakanya nhindi na nga ako makatulog eh

"Pwede mo bang ipagtimpla si kuya?"nakapikit na sabi niya

"Opo"magalang na sabi ko. Para hindi na ako patulugin nito

"Sige"sabi niya saka humiga uli.

Lumabas ako saka pumunta sa may kusina. At tinimplahan ng kape si kuya Zogy. Umakyat ako dala dala yung kape ni kuya.

"Kuya"sabi ko. Bumangon siya saka inabot ko sakanya yung kape.

"Thank you Ayen. Matulog ka na"sabi niya saka sumipsip sa kape

Ayaw pa nga eh!

"S-sige"sabi ko saka lumabas na. Bwisit!

Lumabas ako pero dumeretso ako sa may pintuan palabas. Nakasarado pa. Sumilip ako sa may bintana at madilim pa. Napaupo ako sa sofa saka huminga ng malalim. Paano ako makakatulog neto?

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now