Raze's POV
Alam mo yung masakit? Yung nagbibigay ka na nga ng motibo sakanya pero hindi pa rin niya ma gets yung aksyon mo?
Hindi naman sa parang gusto ko agad malaman ni Haywen na gusto ko siya. Anong magagawa ko eh ganoon talaga siya.
Ewan ko ba pero natatakot ako sa mga kilos ni Haywen. Minsan tahimik tapos ewan.
Kasalukuyan kaming nandito sa kotse nila tito Harrison. Kaming dalawa ay nasa loob ng kotse sa garahe nasa may driver's seat si tito habang ako ay nasa passenger.
May pag uusapan kami
Huminga ng malalim si tito bago magsalita
"Huwag mong hahayaang makalapit
Iyong mga lalaki kay Haywen. Lalo na may Migo naiintindihan mo?" Maotoridad na sabi ni tito. Actually,nakakatakot ang tunay na ugali nila tito at tita. Para silang papatay ng tao kapag may kausap sila.Lihim akong napalunok saka tumango.
"Makakaasa ka tito" wika ko
"Mabuti. Wag na wag mong aalisin ang mga mata mo sakanya. Kapag nakapansin ka na ay tawagan mo na mga tauhan natin."
"Opo tito"
"Isa pa. Dapat may dala kang baril lagi"
"Meron po tito"
"Kaya boto ako sayo noong bata pa kayo ni Ayen. Huwag kang mag-alala kapag nagawa mo lahat ng mga pinapagawa ko sayo ay ibibigay ko kahilingan mo." Wika ni tito na agad kong ikinangiti
"Gagawin ko lahat tito para pagkatiwalaan niyo ako sa lahat. At makakaasa kayo na ibubuwis ko ang buhay ko para lang kay Haywen." Wika ko na ikinangiti ni tito. Talagang gagawin ko lahat kahit patayan ay ipaglalaban ko siya.
"Kapag nasa tamang edad na kayo ay mabibigay ko na ang gusto mo. Basta mawala lang ang mga Grochwid sa mundong ito,ang kasal na hinihingi mo ay matutupad" wika ni tito saka tinapik balikat ko. Ikinangiti ko ang sinabi ni tito
Dahil noong umalis kami ay sa may hideout kami pumunta. Sa hideout ng grupo nila tito at tita. Binigyan nila ako ng nga gagawin ko at syempre may kapalit iyon. Ang pagpapakasal naming dalawa ni Ayen kapag narating na namin ang 30 years old.
"Gagawin ko lahat tito huwag kayong mag-alala. Saka kakayanin ko lahat ng mga training ko para sakanya"
"Raze. Pagpasesyahan mo na si Haywen. Ganoon talaga siya eh. Alam mo bang ganoon din ang tita Marji mo noon? Nakikita ko mga sarili namin sainyo noong mga bata pa kami."
"T-talaga tito???"
"Oo. Isip bata si tita mo noon saka nalaman ko na lang noon na anak siya ng mga mafia. Mag bestfriend kami noon saka kami nagkatuluyan. Kaso nga lang ang hirap ng pinagdaanan ko sakanya noon. Sobrang hirap niyang itindihin ang mga sinasabi ko sakanya pag manliligaw na ako. Akala niyo nung nag i love you ako sakanya eh mahal ko siya bilang kaibigan. Aba't tinawanan lang ako noon. Parang ikaw lang yan Raze. At sana nga kayo ang magkatuluyan ng anak ko."
"May pinagmanahan naman pala eh"
"Oo meron at iyon ang mommy niya. Sobrang maldita ng mommy niya noon saka palaaway. Kapag may masamang tumitingin sakanya eh inaaway niya agad. Eto naman si daddy at mommy mo umaawat pero di paawat si Marji noon. Hanggang sa nadala sila sa guidance office. And the most shocking event happened in that moment was the guidance councelor was frightened to Marji's stare. Nakakatakot yung tingin niya noon sa aming lahat kaya nabigla kami nung matakot yung GC sakanya tapos inatake pa siya sa puso noon."
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Teen Fiction"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...