Chapter 84: The Revelation (Part 1)

309 9 3
                                    

Haywen's POV

Pagkarating ko sa school,hinatid ako ni Raze sa room ko. Wala pa si Chandy at si Drasic may sakit pa rin.

Tahimik lang ako kanina kahit si Raze ganoon din.

Hindi ko siya kinausap maliban sa pagbati sakanya ng good morning.

Hindi ko alam kung babalakin ko pa siyang kausapin or ano.

Nilalayo niya ako kay Momo.

Matagal na pala niyang kilala si Momo pero hindi niya ako sinabihan.

Gusto kong awayin si Raze kaso pinigilan ko sarili ko. Baka madulas ako at malaman niyang magpapakilala na sa akin si Momo mamaya.

Gabi iyon pero ako na bahala. Tatakas na ulit ako para lang makita ko siya.

Ngayon alam ko na sa sarili ko na desidido na akong puntahan siya. Ramdam ko rin na nagsasabi na siya ng totoo.

Sa mga messages pa lang niya sa akin na nagpaiyak sa akin ng buong gabi.

:(

Nang makapasok ako sa room ko ay nagtext si Chandy na hindi siya makakaattend ng first class namin.

Sabi niya kasi may problema lang sa bahay nila. Sana hindi naman masyadong mabigat iyon.

Huminga ako ng malalim saka napailing iling ako ng slight. Hinawakan ko noo ko saka minasahe ko ng bahagya.

Hindi ko na rin alam nangyayari sa mga kaibigan ko.

Sarili ko rin minsan hindi ko na maintindihan. Bakit?

Naririnig ko yung mga classmates ko na nag-uusap tungkol kay Daisy. Nawawala talaga siya at ngayon hindi pa siya nahahanap.

Sana mahanap na siya :(

Dahil maaga akong pumasok at wala pang lecturer,naisipan kong basahin ulit mga messages ni Momo sa akin.

Ngunit agad kong pinigilan sarili ko.

Wag mong babasahin,Haywen. Gusto mo na naman bang umiyak?

Pinatay ko agad cellphone ko saka sinubsob ko mukha ko sa table ko.

Ano ba tong mga nangyayari sakin?

Naisip ko bigla na magkikita na kami ni Momo. Kinakabahan pa rin ako kapag naiisip ko iyon kaya isinantabi ko muna.

Basta nangako ako.

Kahit sino man siya,tatanggapin ko siya.

Saka bigla na namang nag-ingay mga classmates ko.

"Ahhh!!! Sila Migo nandiyan na!"

"Yung Ferocious Five!"

"Sana ako rin pogi"

"Omg!!!"

Pagkarinig ko pa lang nung pangalan ni Migo,biglang bumilis tibok ng puso ko.

Shet!

Nagflashback lahat kahapon! Yung tinawagan niya ako saka sinabi yung--- alam niyo na huhuhu.

Buti na lang talaga at nakasubsob mukha ko rito sa table ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin!

But don't get fooled! Haywen,remember that that guy is a playboy. Walang sineseryoso yan and even you,he made you as one of his fooled victims!

Hindi ka marupok.

And suddenly nakarinig ako ng mga yapak na papasok sa room. Well,they're now here.

Kabado talaga ako that's why I'm willing to stay with this position.

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now