The Revelation (Part 5)

310 10 3
                                    

Haywen's POV

"Nga pala,may mga tauhan din ako sa bahay niyo,Ms. Dreywell" asik nung boss nila para mapamulagat ako.

Ano?!

Nandoon si Luke at si Kuya Vin!

Hindi pwede ito! Mamaya mapahamak sila huhuhu

"Bakit?! Anong gagawin niyo sa bahay namin ha?!"

"Papatayin namin lahat nang nandoon" mahinahon niyang sabi saka tumawa siya.

ANG KAPATID AT KUYA KO!

YUNG MGA TAO SA BAHAY HUHUHU!

"WALA S-SILANG KINALAMAN
DITO!"

Wala silang ginawang masama!

"Akala mo lang wala" asik niya saka nagdekwatro ulit siya. Sumama tingin ko sakanya!

Bwisit siya! Talagang hindi niya ako titigilan no?

"Wala naman talaga! Huwag niyong ipapahamak ang mga tao roon!" galit kong sabi saka tumawa ulit siya.

"Hmmm. Ms. Dreywell galit na galit?" Pang aasar niya pero wala akong oras para riyan.

"Kapag may nangyaring masama sa kapatid at kuya ko,hindi kita palalampasin!" Gigil kong sabi sakanya habang matalim ko siyang tinitignan.

Totoo sinasabi ko!

Makaalis lang ako rito,gagawa ako ng hindi maganda sayo.

Babawian kita.

"Talaga? Eh di ka nga makatakas dito eh"

Parang sinampal niya ako sa realidad. Oo nga pala,wala akong magawa para makaalis.

...

"Ano ba?! Ano bang ginawa ng pamilya ko para idamay niyo sila?!"

"Painosente ka pero alam mo naman lahat" asik niya saka tumawa siya ng mahina.

Napatitig ako sa kawalan.

Hindi ko talaga alam sinasabi nila huhuhu.

"Hiling ko na sana alam ko! Sabihin mo na sa akin para malinawan ako" mahinahon kong sabi saka niyuko ulo ko.

"Bakit ko sasabihin? Magandang nga yan para mabaliw ka kakaisip. HAHAHAHAHAHAHA" tawang tawang sabi niya tapos nakisabay mga tauhan niya.

Peste!

Nanghihina katawan ko at halos hindi ko na maigalaw.

Tulong :((

"Hubad na!" Nagulat ako ng sumigaw siya saka nakita kong paparating siya sa akin.

No! Gagawin na niya sinasabi niya.

"Huwag kang lalapit kay Haywen!" Nanghihina at umubo pa si Kurt ng dugo. Huhuhuhu

Pero parang wala silang narinig at yung boss nila,biglang pinunit damit ko. Napasigaw ako dahil doon.

"AHHHHH! TIGILAN NIYO NA AKO!!!!" Sigaw ko. Pinunit nila damit ko sa may bandang tiyan at manggas ko. Kita na ang balikat ko.

Narinig ko silang nagtawanan.

Napaiyak ako dahil doon.

Ayoko na :(

Kasunod nang may parang tinusok sa braso ko

Para unti unting manlabo paningin ko.

Hanggang sa nakarinig ako nang boses. Galit na galit siya.

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now