Chapter 56

2.6K 48 14
                                    

Haywen's POV

Exam day na. Bumaba na ako para kumain pero hindi ko naabutan sila mom and dad. Si lucas lang habang inaasikaso siya ni yaya Cora.

"Ija umalis ang mom at dad mo kaninang madaling araw. May iniwang sulat ang mom mo sayo"wika ni yaya saka inabot niya sakin yung papel. Binasa ko naman ito saka...

Dear baby,
      Please take care of your baby brother Luke okay? Hindi na ako nakapag paalam sainyo because may urgent meeting kami sa Baguio nila tita Ritch at tito Karl mo. Sinabi ko kay Raze na bantayan ka anak. Ingat kayong dalawa ni Lucas ha? Nag transfer ako sa credit card mo anak ng pera. Bilhin niyo lahat ng gusto niyo ni Luke. 3 days kaming wala anak. Ingat kayo mommy loves you so much!

-Mom

Eeh! Ang duga may meeting na naman sila! Napanguso na lang ako saka umupo sa tabi ni Luke na kumakain na. Saka bakit pa sila nag transfer ng pera sakin? Eh halos di ko nga nagamit yung pinadala nila dati eh. Hay bahala na!

"Ate? I want cookies"masayang wika ni Luke.

"Okay we'll buy cookies later ha?"asik ko saka tumango tango naman siya.

School.

It's already 7:35 A.M at nasa library pa ako. 1 hour na akong nandito. Skimming na lang ginagawa ko hehe. Then nag vibrate yung phone ko.

From: Unknown Number
Go to your room.

HA? Bakit at sino naman ito?!

Ako naman si tanga at nagmadali akong pumunta ng room. Hay! Then pagkarating ko wala pa yung dalawa. Kokonti pa lang!

Then dumeretso ako sa table ko at may tatlong pulang rosas ang nandoon! Arrgghh!!!! Umupo ako agad saka tinignan kung may nakasulat! Meron na!

Day 3

Alam kong naiinis ka na. At ang una mong hinanap ang letter na ito hahaha.

Mr. Handsome

Napakunot noo na lang ako saka mabilis kong nilagay sa bag ko yung mga rose! Lintik iniinis pa ako nito! Gago yun ah! Papatokhang ko nga yon baka kasi naka drugs kaya nagkakaganoon!

Loko yun ah!!

"Huy bes! Nakakatakot pala yung Chairman ng school na ito"

"Kaya nga teh! Binasa ko yung mga articles about sakanila"

"Huhuhu!"

Bulungan nila. Waaah? So totoo ngan nakakatakot iyon?

Kailangan kong makausap sila drasic at kurt sa nangyari sakin kahapon!

Pagkatingin ko sa pintuan at nakita ko yung dalawa.

"Hiii"masayang bati nilang dalawa. Tumango lang ako saka nag iba mukha nila. Hahahaha. Text ko nga si Drasic!

To: Wifey
Hoy! Anong nangyari nung tulog ako?!

Tumunog phone niya saka dinukot niya sa bag niya. Saka nag type siya doon.

From: Wifey
Wag kang mag alala hinalikan ka ni Migo

W-WHAT?! Para akong hinulugan ng marami bato sa nabasa ko! Totoo ba?! Totoo?! Huhuhuhuhu!

To: Wifey
Waaahh!!! Totoo?!

From: Wifey
Joke lang yun. Ikaw naman hahahaha! Ayusin mo yan mukha mo! Para kang nalugi! Hahahahahahahahahhaahah!

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now