Kurt's POV
Hanggang ngayon wala pa ring lead kung sino ang gumawa sa akin nito.
Nandito na sila Raze para pag-usapan ang nangyari sa akin. Salamat kay tita Marji na agad kaming tinulongan.
Sobrang sakit nung pana saka bigla akong nanginig hanggang sa hindi ko na alam nangyari.
Hanggang ngayon namamanhid mga tuhod ko na para bang wala akong ganoon.
Pero kamusta na kaya si Haywen?
Sila mommy Kriza at daddy Adrian ay umalis muna saglit para bumalik sa bahay.
Gabi na at nakalimutan nilang dalahan ako ng gamit ko dahil nataranta raw sila.
Hays.
"Buti na lang at may malay na rin si Haywen. Pero pinagpahinga ulit siya baka magtrigger asthma niya" umpisa ni Drasic habang nakaupo sa sofa.
Nakasandal na ako sa kama ko ngayon at si Chandy ang nasa tabi ko ngayon. Pero nakaupo siya.
"May lead na kami ni tita kung sino ang gumawa sayo niyan. Pero hindi kami pwedeng magfocus sa isa,kasi maaaring madistract kami sa focused suspect natin eh yun naman pala ay hindi sila ang may gawa nito sayo." Seryosong sabi ni Raze habang naka dekwatro ang upo.
"Ang dami na ngang nangyayari sa atin. Noong una si Haywen,sumunod si babs,sumunod si Raze at sumunod tayong lahat na. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa atin ngayon" umiling iling si Coward pagkasabi niya nito.
Totoo naman.
"Sa madaling sabi,simula nang makita natin sa landas natin yang grupo ni Migo,nagkanda leche leche na lahat" seryosong sabi ulit ni Raze habang naka cross arms.
"Ayon din ang napansin ko" wika ni Drasic
"P-pero hindi naman na siguro nila intensyon iyon" wika ko saka nagkibit balikat si Raze
Galit pa rin siya kay Migo
"Nagugutom ka ba?" Tanong sa akin ni Chandy pero humindi ako. Wala akong maramdamang gutom ngayon.
"Pero tol,ayos ka na ba talaga?" Tanong ni Coward
"Namamanhid pa rin mga tuhod ko" wika ko saka nakita kong minamasahe ni Chandy tuhod ko. Wala talaga akong maramdaman.
"Dibale,mararamdaman mo rin iyang tuhod mo" wika ni Chandy habang minamasahe niya.
Sht
Umiling iling ako nang mapansin kong nakatitig na pala ako sa kanya.
Maganda siya
Shit!!
"Pero kumusta naman na si Haywen? Wala na bang masakit sakanya?" Tanong ko
"Meron pa rin iyon,kasi tinanong siya ng doctor kanina. Saka tumango siya" wika ni Drasic saka lumapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko.
"Klaro na kasi sa amin ang rason,Kurt" biglang sabi ni Raze "Panakot lang to para sa atin"
"Sana lumingon na ako sa likod para nakita ko kung sino" sabi ni Chandy
"Pero mahihirapan tayo,kasi wala man lang kotseng humarurot paalis diba" asik ni Coward
Saka biglang may tumawag kay Raze.
"Hello tita...opo nandito pa rin po kami kay Kurt...s-sige po...talaga po?!... mabuti naman kung ganoon..akala nila siguro matatakasan na nila tayo...hahahaha....sige po tita Marji...mag stay pa ho,muna kami rito kay Kurt? Wala pa po sila tita Kriza at tito Andrian..sige po tita..salamat po..."
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Teen Fiction"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...