Haywen's POV
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko lagi yung sinabi sakin ni kuya Caleb. Tapos sumunod yung kay kuya Zogy! Kilala niya siguro yung bestfriend namin noon?
Pagkagising ko agad bumungad sakin yung teddy bear na bigay ni Drake sa akin. Yung regalo niya sa box ay hindi ko pa nabuksan pati yung kay Chairman. Kyut
Then nagvibrate phone ko. Kinuha ko iyon sa may kama ko at nakita ko ang pangalan ni Drake.
From: Drake
Good mornin' future girlfriend!😘😘😘Aba! Umagang umaga eh nagpapakilig! But yeah seriously kinikilig ako hihihi. Slight lang no!
Nireplyan ko naman pabalik. Saka inopen ko facebook ko. Tutal matagal pa klase namin. Tapos na akong kumain at ayusin sarili ko.
Bumungad sakin yung post ni Migo!
Migo Andrew is feeling broken
Please accept my gift for you😭😭😭😭😭😭.
2 hours ago
3,456 likes 1,390 comments
AHH! Ang drama akala ko ba playboy ito?! In fairness famous siya
Eh kasi gwapo tapos mayaman!
Nga naman. Pero swerte yung babae ha? Nakasungkit ng gwapo---- SABI KO NAKASUNGKIT NG PANGET!!!!!
Kaya swerte yung babae hihi.
Tok
Tok
Tok"Haywen tapos na si kuya Caleb mo bebe gurl"wika ni tita sa labas. Bigla akong natigilan. Narinig ko pang kumatok si tita ng ilang beses.
Ayan na naman, siguro gaganunin niya na naman ako no? Hays wag naman na po sana Lord,please?
"O-o-opo tita p-palabas na po"wika ko kay tita. Bahala na. Inayos ko sarili ko saka ako lumabas.
Wala na sila mom and dad ng abutan ko. Sila kuya Zogy, kuya V at tita Leslie may pupuntahan daw. Kaya nauna na sila.
Hay
Pagkalabas ko ng gate nasa labas na si kuya Caleb. Nakasandal siya sa kotse. Ng makita niya ako ay umikot siya papuntang driver's seat. Ako naman sa may passenger na.
Pagkasakay namin ay pinaandar na niya ang kotse.
Saka hindi pa kami nakakalayo ng biglang umulan.
Patay! Wala akong payong. Paano ako makakapasok sa school?!
Kinakabahan ako na ewan! Ayokong mabasa pero wala akong payong. Anong gagawin ko?!
Huhuhuhu pag minamalas ka nga naman. Waahh Lord, please patigilin niyo na po yung ulan huhuhu.
Patuloy pa rin sa pagdadrive si kuya Caleb. Ako naman tumingin ako sa may bintana. Naaalala ko si Brian yung batang tinulungan namin noon.
Saka bigla na namang pumasok sa isip ko yung sa aming dalawa ni kuya Caleb kahapon. HAAAYY!!!
Pero paano nga yan? Wala akong payong huhuhu. Tapos nasa harap ng school ang parking lot at walang bubong iyon! Huhuhuhu iyak naaaaa!
"Do you have umbrella?"biglang tanong ni kuya Caleb. Natigilan ako doon saka tinignan ko siya nilang beses pa akong napakurap kurap. Tinatanong ba niya ako? "Hey!"parang naiinis na si kuya Caleb
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Novela Juvenil"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...