Chapter 64: Lucas's Birthday Party( PART 1)

2.5K 75 0
                                    

Haywen's POV

Malapit ng mag start birthday party ni Lucas. Silang lahat nakabihis na habang ako?

Tae! Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa narinig ko sa tawag kanina! Parang tumibok puso ko na pagkabilis bilis. Pinatay ko yung tawag agad kanina.

Hindi ko kilala yung boses niya eh. Kaya sinong kumag na iyon ang tatawag sakin?!  Lalaki siya! WAAH

Hay! Ano ba ito?!

Nababaliw na ako sa mga nangyayari sakin huhuhu!

Pero bago ako mabaliw kailangan ko munang maligo.

Isang oras na lang mag start na birthday ni Luke!




PAGKATAPOS kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Simpleng denim jeans saka blouse lang then sneakers.

Pagbaba ko nakita ko na silang lahat na wala sa salas. Nasa labas sila kung saan gaganapin birthday ni Luke.

Lumabas din ako para tignan at..

WOW!

Ang ganda saka ang cute nung mga designs niya!

Superman ang theme ng birthday ni Luke eh. Tapos doon sa pinakadulo ay nandoon yung upuan ni Lucas na parang upuan sa game of thrones! Maliit pero ang cute! Tapos nasa gilid non yung birthday cake niya na superman din!

Saka sa may left side niya ay may tables. Nandoon yung mga prizes ang dami! Saka may vacant table doon. Doon ilalagay yung mga regalo niya. Saka sa harap may mga table at upuan na maliliit para sa mga bulilit. Sa likuran naman ay pang adult.

Tapos nilabas nila mga kotse namin. Sa garahe naman yung mga palaro. Hanggang sa garahe may mga designs pa.

Saka nakita ko yung tarpaulin niya. Ang cute cute niya doon!

Nakita ko sila mommy and daddy na busy sa cellphone nila. May mga pinapasok sila kuya Vin na may dala dalang malalaking plastics. Siguro mascots yun?

Hihihihi!


START na ng birthday ni Lucas at nagsisidatingan na sila!

Wala pang kalahating oras puno na yung lalagyan ng regalo.

Swerte naman ni bulilit!

May mga hinire din pala sila
Mom and dad na usheries.

Hinintay kong pumasok yung mga friends ko. Then suddenly nakita kong pumasok yung mga kaibigan nila daddy at mommy.

Sila mommy naman nandoon sa entrance. Nakikipag beso beso sa mga friendships nila!

Hmm? Saan kaya si Lucas?

"Anak! Nandiyan na sila Drasic"tawag sakin ni mommy. Napangiti naman ako ng marinig ko iyon. Agad akong lumabas para salubungin sila.

Pagkalabas ko nakita ko na silang pababa ng kotse. May kanya kanya silang dalang regalo. Asa may tapat sila ng bahay!

Marami rami na rin ang pumapasok sa loob.

"Hii!!!"masayang bati ko. Niyakap ko agad si Drasic kasi namiss ko na miss ko na sobra!

"Hello wifey!"

"Hello Haywen!"

"Waah! Ganda ah!"

"Hi bes hihihi"

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now