Sorry if sobrang tagal mag-update. Nabusy na talaga eh :<
Saka may mga lessons ako uwu. Yoko na.
Kayo ba guys agree kayo sa Academic Freeze?
Comment keyo kung oo.
Mas nakakastress siya kaysa sa Face to face class eh. My opinion lang naman.
:<
●
Haywen's POV
Nagising ulit ako at umaga ng ng bumangon ako.
Si Migo ang nagpakain sa akin kaninang madaling araw.
Siya rin nagpainom sa akin ng gamot.
Nahiya ako pero natanggal din iyon nung pinapatawa niya ako sa mga jokes niya.
Ihhh!
Bumangon ako ngayon at maayos ayos na ang pakiramdam ko.
Nilapat ko ang likod ng palad ko sa leeg ko at noo ko. Hindi naman na gaano kainit kagaya kahapon.
Saka..
Wala na rin si Migo rito.
Pero sinabihan niya naman ako na aalis na siya kapag nakatulog ako.
Bakit ba hinanap ko siya agad?
Saka nabaling tingin ko sa may pintuan.
May kumatok ng tatlong beses saka bumukas iyon.
Rebulto ni Raze na buhat si Luke kasama si Manang. May dala silang tray na puno ng pagkain.
"Ateeee!" Tawag sa akin ni Luke. Inextend niya kamay niya na para bang gusto niya akong yakapin.
Nginitian ko siya saka si Raze.
Lumapit sila sa akin saka umupo sa tabi ko.
Si Manang naman nilapag na yung tray sa nightstand ko at umalis na agad.
"Ano pang nararamdaman mo?" Tanong ni Raze habang nakaupo sa lap niya si Luke. Katabi ko sila saka nilapat niya rin yung likod ng palad niya sa noo ko.
"Medyo okay na ako,Raze. Hindi na ako nahihilo pero medyo masakit pa katawan ko" wika ko tapos ginulo niya ng slight buhok ko.
"Inalagaan ka ba mabuti ni Migo?" Tanong niya saka ngumiti ako at tumango tango.
Ang galing nga niya mag-alaga.
Siguro kung magiging Doctor si Migo,baka lahat ngpatients niya mapasunod niya. Hahahahhaa
"Babalik ba siya ulit dito?" Tanong ko tapos si Raze tumango. Hehehhe yehey!
"Ate? Kuya? Bakit po si kuya Migo nagtook care?" Kwestyon ni Luke saka pinisil ko pisngi niya.
"Si kuya Migo kasi,bestfriend namin ni ate Haywen mo noong maliit pa kami." Wika ni Raze habang nakatingin kay Luke. Si Luke naman parang nagshine mga mata. Aba interesado ang bata.
"Talaga po? Eh,bestfriend ko rin po si kuya Migo e" sabi niya saka natawa ako dahil ang cute ng pagkasabi niya.
"Talaga?" Masayang tanong ni Raze. Tumango tango naman itong baby namin. "Eh paano si kuya Raze? Hindi mo ako bestfriend?"
Tapos si Luke tumayo sa kama sa biglang tumalon kay Raze. Kamuntikan ng mahulog yung bata,buti nasalo ni Raze.
"Luke!" Sabay naming sabi ni Raze. Kinabahan ako sa ginawa niya.
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Teen Fiction"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...