The Revelation (Part 6)

172 8 0
                                    

Hi AbegailMoraga

Haywen's POV

Matapos magising ni Kurt ay pinakain kami. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang maluha dahil sa ginawa nila sakanila.

Magbabayad sila.

Iyan ang nasa isip ko ngayon habang nagpapalit ako ng damit. Binigyan ako ni Dennis ng bagong damit dahil punit na ang suot ko kanina.

Nanginginig pa rin ako dahil sa nangyari.

Alam kong tapos na iyon pero parang itong oras lang nangyari.

Lumabas ako ng C.R at nagulat ako ng may kausap si Kurt sa telepono.

Nagulat ako dahil kausap niya kanina..

Narinig ko na kausap ni Kurt kanina si Raze.

Tinanong ako ni Kurt kung gusto ko kausapin si Raze pero umiling lang ako.

Di ko rin kasi alam sasabihin sakanya.

"Haywen,sabihin mo lang kung saan yung masakit" asik ni Harvey saka tinuro ko yung bandang balikat ko. Sobrang sakit pa kasi e "Sobrang sakit ba ha? Dibale dahil yung gamot na pinainom namin sa iyo,tatalab agad yan"

"Thankyou,Harvey. Hindi niyo naman na kailangan gawin ito" sabi ko tapos ngumiti siya at ginulo niya ng slight buhok ko.

"Anong hindi kailangan gawin. Eh nadamay ka sa gulo namin" sabi niya para mapaisip ako.

Ako ba talaga ang nadamay or sila ang nadamay?

Bakit parang may kailangang makuha sa akin yung mga iyon? Hindi ko rin mafigure out kung ano iyon.

Imposible naman na para sa lima ang kukunin nila sa akin.

Hindi ko rin talaga sila maintindihan kanina at kung ano atraso namin sakanila.

Kaya nandito ako ngayon clueless at parang tanga na isip nang isip kung ano ginawa namin sakanila.

"Haywen,parating na si Raze. Kailangan na natin sumama sakanya" asik ni Kurt na may benda ang mga braso.

Tumingin ako kay Kurt saka matipid akong ngumiti sakanya.

Saka dumating na yung moment na kailangan na naming umalis.

Nakaalalay sa akin yung apat.

Hindi ko nakita si Migo..

Pero narinig ko boses niya kanina.

Nakumpirma ko rin na siya talaga iyon dahil kinwento sa akin ni Brixton.

:((((

Gusto ko magpasalamat sakanya.

Gusto ko rin siya makita

Pero habang naglalakad kami palabas ng infirmary nila,hindi ko na nagawang tanawin ito. Bagkus nagpasalamat ako sakanilang apat.

"Drake,Brixton,Harvey and Dennis. Thankyou pala ha? Baka kung hindi dahil sa inyo,hindi kami makakauwi ng buhay ngayon" asik ko tapos naramdaman kong tinap ni Drake likod ko

"Wala iyon,Haywen. Basta kapag may hindi maganda sa paligid mo,tawagan mo lang kami. Huwag ka mag atubili" sabi niya sa gilid ko. Inaalalayan niya rin kasi niya si Kurt.

Napaiwas ako ng tingin sakanya,dahil pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako hihingi ng tulong sakanila.

Sobra na talaga.

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now