Haywen's POV
Hindi ko alam pero biglang may kung ano akong nararamdaman sa lugar na ito.
Takot.
Yung tipong naiisip ko na na katapusan ko na kapag pumasok ako rito.
Pero hindi! Kailangan kong iligtas si Kurt kahit anong mangyari
Dali dali akong naglakad papasok at nabigla ako ng may magbukas ng entrance ng hotel.
Lahat sila nakaitim at hindi mo makita histura.
Mga tatlo sila na bumulaga sa akin pero pinilit kong hindi sumigaw.
Pero yung mukha ko siguro nahalata nila.
Sino ba namang hindi magugulat! Mukha silang mumu eh!
Abot langit ang kaba at takot ko ng makita ko sila. Mas lalo pa nung hawakan ako nung dalawa saka itinali kamay ko sa likuran ko.
"A-Anong gagawin niyo?!" Taranta kong sabi. Sila naman parang walang narinig saka hinigpitan nila pagkakatali sa kamay ko. "W-Wala sa usapan ito! Hindi ako nagdala nang mga kasama!" Paglalaban ko pero tumawa lang sila.
Gagawin ba nila akong hostage?
No!
Papatayin ba nila ako?
No!
Nagpupumiglas ako at pilit kong tinatanggal yung tali. Pero bigla nila akong tinulak para matumba ako.
Ang sakit.
Ang sakit nila tumulak.
"Nagmamatigas ka pa ha? Sa sitwasyon mo ngayon..." asik nung isang lalaking nakaitim. Siya yung tumulak sa akin. Sobrang sakit ng tuhod ko dahil nauntog iyon bago katawan ko "...wala ng magliligtas sayo. Kaya umayos ayos ka" sabi niya saka hinagod buhok. Abot langit ang takot ko. Hindi ko siya nakikita pero grabe.
Katapusan ko na ba?
Ako naman kailangan kong lumaban.
Iniwas ko ulo ko para hindi niya mahawakan buhok ko. Siya naman parang naging statwa sa ginawa ko.
"I'm not here to play with you! Dalhin mo ako sa boss mo at sa kaibigan ko!" Matapang kong sabi saka tumayo siya at nagtawanan sila. May mali ba sa sinabi ko?!
Kahit na hawak niyo ako at natatakot ako sainyo,kailangan ko pa ring lumaban.
"Matigas to ha!" Galit niyang sabi saka akmang sasampalin niya ako ng may pumigil sakanya.
"Anong ginagawa niyo sa bisita ko?" Isang hindi pamiliar na boses ang narinig ko mula sa likuran. Lumingin ako roon at...
Nakabalot din siya itim at halos mata lang ang nakikita ko sakanya.
Nagpupumiglas pa rin aki baka sakaling maalis itong tali ko.
"Boss,pasensya na. Masyadong matapang tong babae na ito" asik nung tumulak sa akin. Silang tatlo ngayon ay nakayuko at parang takot na hayop.
Lumingon ulit ako roon sa likod at...
"Nasaan si Kurt? Nasaan ang kaibigan ko?!" Irita kong tanong saka hindi niya ako pinansin. Bwisit!
"Dalhin niyo sa lobby" asik niya saka walang salitang itinayo ako ng pwersahan ng mga tauhan niya. Saka iginaya ako papunta roon sa lobby.
May kung anong nakakatakot na awra na nababalot sa boss na ito.
Hindi ko na mapigilan iyak ko. Hindi ko rin mapunasan mga luha ko kasi nakatali mga kamay ko.
Nananakit na buong katawan ko dahil sa ginawa nila sa akin.
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Teen Fiction"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...