Chapter 74

1.9K 36 36
                                    

Migo's POV

This boy makes my blood boil!

"She's not yours" sabi ko at napangiti siya.

Bigla niyang kinasa ang baril niyan at agad kong ginawa iyon. At mabilis kaming nagtutukan ng baril. Nakakainis!

"Alam ko na kabilang sila tita Marji dito. Kaya hindi na kataka taka na maging sanay ka sa mga ganito. Hinding hindi ko ako matatalo kahit anong gawin niyo" wika ko saka tumawa siya

"Ahahaha gago? Sure ka na di ka matatalo? Kung matalo man ako sayo hindi ako papayag. Pero sa puso ni Haywen? Bro wala ka na agad doon! Bagsak na bagsak ka"

"Talaga?"

"Oo"

At kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng mapatigil ako...

"ITIGIL NIYO IYAN!" SIGAW ni Drasic sa amin. Hingal na hingal siya at parang tinakbo niya buong mundo sa hingal.

Napangiti ako dahil sa aksyon niya

"Drasic, my long time bestfriend. How are you?" Pilosopo kong tanong na ikina kunot ng noo niya

"N-nagbago ka na talaga Migo! H-hayop ka!" Hingal na sabi niya at lumapit siya kay Raze."Raze tara na! Hinahanap ka na ni Haywen!"

"Teka lang Drasic at kailangan ko pang patayin tong hayop na ito." Wika ni Raze na ikinatawa ko

"Then do it! Fuck i'm just waiting for you to do it! Go!"

"Tama na yan! Mali ito! Mali ito! Nag-aaway kayo sa gitna ng putukan! Mamaya kayo ang madamay!Parating na mga pulis at baka kayo ang i-convict dahil may mga hawak kayong baril! At pwede ba wag na kayong mag-away!" Asik ni Drasic

Tsss hindi mo alam ang lahat. Hindi mo alam na siya lahat pumatay ng mga nakahilata diyan

"Wala kang alam Drasic kaya wag kang mangialam!" Galit kong wika na ikinataas ng kilay niya

"Alam ko lahat Migo!" Wika niya sabay ng pagtulo ng luha niya "alam ko lahat! Alam ko! Alam kong pumapatay kayo! Alam kong may alitan kayo! Alam kong nasa mafia group kayo! Alam kong magkaaway kayo! Alam kong papatayin niyo ang isa't-isa! Alam kong lahat ng ito!!! Huhuhuhu... pero nagbubulag-bulagan lang ako p-para k-kay H-haywen... a-ayoko s-siyang m-m-matakot s-sainyo!" Wika niya saka napahagulgol na ng malakas

"D-drasic.." wika ni Raze saka nabitawan niya dalawang baril niya 

Alam ko na kung niya alam...

"Drasic Faye Portlor.. spy ka" wika ko na ikinatigil niya.

Totoo nga

"H-hindi ako spy!"

"Wag ka ng mag maang maangan! Huli ka na Drasic huling-huli ka na" wika ko "mamamatay tao ka rin diba? Tanong ko at kumuyom kamao niya. Totoo nga

"Tama na! Hindi totoo yang mga sinasabi mo Migo. Gago ka ba?! Wag kang mandadamay dito dahil kahit alam ni Drasic lahat,labas siya dito!" Pagtatanggol ni Raze sakanya.

Hinila ni Drasic manggas ni Raze at pilit na hinihila.

"Tara na R-raze h-huhuhu! B-baka m-may---" naputol ang sinabi ni Drasic ng may umalingawngaw na putok na baril malapit sa amin. Pinindot ko ang earpiece ko at sinabihan sila na itigl ito. Pero parang walang narinig ang mga ungas!

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now