Haywen's POV
Haaaaayyy. Ang bilis ng oras. Mag gagabi na at uuwi na kami. Parang di ko enjoy..
Di mo enjoy kasi kasama ni Migo si Maries. Selos ka lang ihh
Yaaahh!! Hindi ah! Buset
Anyways, ayos na ako lahat lahat. At ngayon ay buhat buhat ko si Lucas na tulog na.
Sila mommy nag aayos pa hehehehe.
Nagpag desisyunan kong lumabas muna buhat si Lucas na tulog. Bored na bored na ako kasi
Pagkalabas ko agad bumungad sakin si Migo.
IH!
ano ba!
Sa gulat ko muntikan akong napatili
"A-a-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya pero hindi ako nakatingin. Nakakatakot siya
"Hinahanap ka ng kapatid ko. Nasa kwarto namin." Wika niya saka umalis siya agad
Bastos!
Di ako pupunta walangya yun.
Kaso si Micko kasi....
Yaahh!! Pupunta na nga ako pero sandali lang. Baka kasi may sasabihin si Micko sakin.
Papunta na sana ako sa kwarto nila Migo ng makita ako nila Drake at Harvey. Sinenyasan ko sila na wag maingay dahil tulog si Lucas.
Nginitian lang nila ako saka sumenyas si Drake na lalabas at tumango ako.
Matapos kong makarating sa kwarto nila Micko ay nadatnan ko na silang dalawa lang dito.
Umiiyak si Micko?
Hala yung baby umiiyak nga.
Agad kong nilapitan habang buhat buhat ko si Luke.
Umupo ako sa gilid ng kama nila saka tinanong agad si Micko
"Bakit ka umiiyak ha?" Alalang tanong ko
Si Migo ay nakasandal lang sa may lamesa habang pinapanood kapatid niga na umiiyak.
Ang sama niya talaga!
"May umaway ba sayo Micko huh?"
"K-k-k-asi p-po ate si kuya eh huhuhu. He d-don't l-like m-me to p-play with you" iyak ng bata.
Ay! Ang sama naman ni Migo!
"Shhh don't cry andito na si ate o. Kasama ko pa si Luke o" wika ko. "K-kaso nga lang tulog hehe" wika ko saka nagpunas na ng luha si Micko.
"Ate tabi kami ni Lucas?" Tanong niya "tulog din po ako hehe"
"O sige" wika ko habang nakangiti saka dahan dahan kong ihiniga si Lucas sa tabi ni Micko.
WHAT?!
EDI DITO AKO HANGGANG MAGISING KAPATID KO?!?
ANAK NG!
"Tulog na po kami ate" wika niya saka humiga siya sa tabi ni Luke. Kinumutan ko silang dalawa saka lumikit si Micko.
Kasi!
"Uhm.. pabanta---" pinutol agad ni Migo sasabihin ko
"You stay here" mahinahong sabi niya saka umupo siya doon sa may couch.
THE F?!
Walanghiya itong lalaki na ito kahit kailan!
Bwisit!
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Teen Fiction"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...