Hoverboard Part 2

1.9K 36 1
                                    

Third Person's POV

Kasabay ng preskong hanging dumadapo sa balat nilang dalawa,ang kasiyahang dulot ng pagsasama nila. Ngayon lang nakaranas ng ganito si Haywen. Lalo na si Migo na naiyak pa.

"Huwag ka ng umiyak"wika ni Haywen "ang ganda sa taas eh. Gusto ko pa doon"

"Tara akyat tayo"wika ni Migo. Tumayo sila saka umakyat doon sa tree house.

Nang makarating sila ay umupo si Haywen doon sa kama ay lumapit sa may bintana. Nilagay niya yung dalawang braso niya sa may wide open na bintana saka nilagay niya yung ulo niya doon. Para siyang nag de-daydream.

"Nanliligaw pala si Drake sayo"wika ni Migo. Biglang nagulat si Haywen sa sinabi ni Migo. Alam niya?!

"P-paano mo alam?"tanong sakanya ni Haywen. At umalis siya sa pagdungaw sa bintana.

"Hindi na importante iyon. Now i have a question"wika ni Migo. Tinignan ni Haywen si Migo at nakaramdam siya ng kaba.

"A-ano iyon?"

"Sasagutin mo ba si Drake if ever?"tanong ni Migo. Parang napako si Haywen sa kinauupuan niya.

"H-hindi ko pa alam Migo. Kahit ako nabigla nung tanungin niya ako kung pwede niya akong ligawan."wika ni Haywen. Tumango tango si Migo

"Ahhh. I see"sabi ni Migo saka tinignan niya si Haywen. Nailang naman si Haywen kaya umiwas siya ng tingin ito. "Drake is good"

"A-alam ko. Kaso kapag sasagutin ko siya... Baka ayaw nila mom and dad"si Haywen

"Don't mind them. How about if Brixton courts you?"

"H-hindi ko alam. Mabait naman sila eh. Pero..."

"Pero?"

"Pero hindi ko sila gusto eh"wika ni Haywen saka yumuko

"Ganon? Bakit ka pa pumayag na ligawan ka ni Drake?"wika ni Migo. Napatingin si Haywen kay Migo

"K-kasi gusto kong maramdaman minsan na may nagmamahal sakin. Pwede pa namang magbago yung feelings ko sakanya. Basta gusto ko mabait at mapagmahal"wika ni Haywen.

"Ahh"wika ni Migo. "What if I court you?"

Parang pinana ang puso ni Haywen. Hindi niya alam kung bakit! Basta! Bumilis ang lunok ng puso niya at lihim siyang napalunok.

"Haha! Joke lang yan Migo eh"wika ni Haywen habang tumatawa. Pero may kaba siyang naramdaman.

"Paano kung sabihin kong hindi?"seryosong wika ni Migo saka tumabi kay Haywen. Biglan nailang si Haywen kaya lumayo siya dito. Pero lumapit uli si Migo.

"I-ibang u-usapan n-na yan tsaka t-teka nga! L-l-lumayo ka sakin!"inis na wika ni Haywen habang lumalayo kay Migo. Nakadikit ang edges ng kama sa may bahay kaya hindi siya mahuhulog.

Hanggang sa..

Wala ng maatrasan si Haywen. Nasa dulo na siya ng kama. Hindi siya tumingin kay Migo na kanina pa nakatingin sakaniya.

"Hoy! L-l-lumayo ka!"wika ni Haywen. Bakas sa boses niya ang pagkailang.

"Naiilang ka no?"wika ni Migo na may halong pang aasar.

"Hindi ah! Ang lapit lapit masyado!"iritang sabi ni Haywen sakanya. Lumayo si Migo dito at natawa. Nakahinga naman n maluwag si Haywen

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now