Chapter 44

2.6K 82 8
                                    

Haywen's POV

Inend ni Raze yung tawag. Bigla naman akong nalungkot. Tatawagan ko si Raze sana kaso may sinabi si Migo.

"W-why you're s-sad?"sabi niya habang nakatingin sakin.

Ihh! Kakailang naman!

Di ko sinabi yung totoo.

"H-ha? Ako sad? H-hindi ah"sabi ko saka nag iwas ako ng tingin. Alam kong masyado akong obvious kaso wala eh yun lang talaga ang alam kong paraan.

"Don't l-lie to m-me"mahinang sabi niya saka pumikit.

Kahit naman na sabihin ko sayo na malungkot ako wala ka rin namang pake eh. Kaya bakit ko pa sasabihin sayo? ANO BA KITA?

Saka may nag open nung door at si Chandy ang lumabas. May dala siyang cup noodles sa tray... Teka malungkot siya?

"C-cha? Anong nangyari sayo?"tanong ko sakanya. Tumingin naman siya sakin saka umiling iling at ngumiti.

Eh ang weird..

"O ito para kay Migo"sabi niya saka binigay sakin yung tray. May hot water na yung noodles.

"M-migo bangon ka muna"sabi ko sakanya. Minulat niya mga mata niya saka pumikit uli.

"I-i can't"sabi niya.

Hay nako naman! Kanina nakabangon to eh nakakainis!

"Akina muna yan"sabi ni Chandy. Saka binigay ko sakanya yung tray "tulungan mong makabangon si Migo"sabi niya

AHHHH! AYAW!!!!!!!!!!

Wala na akong nagawa naman eh huhuhu!

Unti unti kong inangat yung ulo niya

Ang bigat!

Nakakainis!

Saka kinuha ko yung unan saka inilagay sa may likuran niya para may sandalan siya.

"D-dito ka"sabi ko saka napasandal ko naman siya. Aaay! Nakakahingal!

Nakapikit pa rin siya saka binigay sakin ni Chandy yung tray. Kinuha ko yung spoon saka sinubuan ko siya.

Kumakain naman siya pero siguro yung mga pang anim na subo ayaw na niya.

"Migo kainin mo to"sabi ko saka nilapit sakanya yung spoon

"A-ayoko na"sabi niya saka umiling iling siya.

"Isa pa sige na"may pagmamakaawa sa boses ko. Bakit ko ba kasi to ginagawa?

"Haywen wait lang ha? Tumatawag sakin si daddy. Balik ako agad"paalam ni Chady sakin. Umoo naman ako saka umalis na siya.

Balik tayo kay Migo na kasalukuyang nakatingin na naman sakin. Pero tumingin agad ako doon sa noodles

"Paano ka gagaling niyan?"tanong ko sakanya. Habang nakatingin sa noodles. Ang awkward kasi eh

"I'll just go home.. Later"sabi niya saka pumikit uli.

Nilapag ko yung tray doon sa may nightstand sa tabi nung double deck.

Kailangan ko ng umuwi eh hinihintay na pala ako ni Raze.

"Ahh.. Kailangan ko ng umuwi eh"sabi ko sakanya. Tumingin uli siya sakin.

"o-okay"sabi niya saka pumikit uli.

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now