Haywen's POV
Actually, kinakabahan ako kapag tuturuan ako ni Raze ng hoverboard. So nasa bahay na ako ngayon at sabi ni Raze ay magsuot ako ng knee pad saka elbow pad. para in case na masemplang ako haha. Shaaakkkiit!
"Yaya Cora?"tawag ko kay yaya sa may kusina
"Ano yon ija?"masayang tanong niya habang nagwawalis sa kusina.
"Yaya lalabas lang po ako hehe. Pakisabi po kayla mom and dad nakay Raze po ako. Uuwi po sila mamayang two eh"sabi ko sakanila
"Walang problema. Ingat ka anak"paalala sakin ni yaya
"Opo"wika ko saka umalis na. Then nakita ko na si Raze sa may gate. Dala niya motor niya
Ngumiti siya sakin saka nilapitan ako.
"Tara na? Hinihintay ka na nila doon eh"wika niya
"Sige"sabi ko saka sinuot niya sakin yung isang helmet niya. Kahit kailan!!!!
NAKARATING KAMI sa bahay nila at sinalubong ako nila tito at tita.
"Hello Haywen!"bati nilang dalawa saka nag mano ako sakanila
"Hi po hehe. Welcome back"bati ko sakanila
"Kamusta ka na ha? Tara anak kain ka muna"aya sakin ni tita
"Ay tita hindi na po. Kakakain ko lang po eh"
"Ahh ganoon ba. Oh sige mag hoverboard muna kayo ni Raze"wika ni tita
"Opo"
"Saka pasensya na ha? Late yung regalo namin"wika ni tito
"N-nako okay lang po tito"sabi ko
"Raze! Bakit ang galing mo?! Bakit ako hindi? Kainggit naman!"sabi ko saka nag cross arms ako. Nakasakay na siya sa hoverboard niya. Tapos umiikot ikot pa siya. Aahhhhh!!!
"Hahahah! Halika na nga! Tuturuan na kita"sabi niya saka iginilid niya yung hoverboard niya then sumakay siya doon sa hover board ko at lumapit.
Nasa may tapat kami ng bahay nila. Buti na kang walang dumadaang mga sasakyan dito!
"Iapak mo muna yung isa mong paa diyan."ginawa ko naman yung sinabi niya "saka hawak ka sakin"humawak ako sa balikat niya "then yung isa mo pang paa ay iapak mo doon sa isa"
Yes! Nagawa ko!
"Try natin umandar"sabi niya thenhawak niya yung isa kong kamay. Habang yung isa kong kamay ay naka hawak sa shoulder niya. Waahh! Ang saya!
"A-ang ganda!"wika ko.
Tapos syemlre pagewang gewang pa ako kaya ayun medyo nahirapan si Raze. Pero hayaan niyo na. Ginusto niya eh. Saka umikot kami ng tatlong beses!
"Oh sige ikaw naman"sabi niya. Ngek!
"Hala! Baka masemplang ako?!"taranta kong sabi pero tumawa siya
"Hindi ka masesemplang diyan. Aalalayan naman kita eh"wika niya "so sige isang kamay ang ihawak mo sakin tapos i balance mo sarili mo"
Tumango ako. Umapak uli ako doon sa hoverboard saka humawak sakanya. Then sumabay siya sakin habang nakasakay ako doon at umaandar! Yes!!!!!!!
"Sige Raze ako na! Hihi feel ko kaya ko na"wika ko
"Sigee"sabi niya. Bumaba ako sa hoverboard saka kinuha niya naman yung sakanya. Ako naman dahan dahang inapak ang mga paa ako! At nagawa ko! Then umandar ako n dahan dahan!
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Teen Fiction"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...