Hello guys! Hintay hintay ulit tayo ha? Pansin niyo ba na puro midnights ako nagpapublish?
Eh kasi mas bet ko magsulat sa gabi hanggang abutin ako ng madaling araw.
May continuation ulit ito. Medyo mahaba habang laban ito. Pero go lang tayo!
Haywen's POV
Pagkauwi ko ng bahay,bumungad sa akin si Luke na umiiyak. Bigla siyang tumakbo papunta sa akin saka binuhat ko siya.
Ano problema nitong batang to?
"Ate huhuhuhuhu!" Iyak niya saka binaon ulo niya sa leeg ko.
"Bakit ka umiiyak ha?" Tanong ko saka tinapik tapik likod niya.
Saka nakita ko si Kuya Vin na papunta rito sa amin mula sa kusina. May hawak siyang kotse na sira sira.
"Yung classmate niya raw sa daycare,sinira itong kotse niya" wika ni Kuya Vin saka tinignan kong mabuti iyon. Inabot ko iyon saka tinignan.
Wala namang ganitong laruan si Luke.
"Totoo ba? Pero walang laruan na ganito si Luke a" sabi ko saka mas lalong umiyak si Luke. Si Kuya Vin naman kinuha bag ko saka nilapag niya sa sala.
"My car huhuhuhu! Gio broke it!!!" Pagwawala ni Luke. Halos mabingi ako sa tinis ng boses nitong batang to.
Itatapon kita sa inis makita mo.
"Bago yan,kumain ka na ba? Nagluto ako ng sisig doon o. Baka hindi ka pa kasi kumakain" asik ni Kuya Vin saka sabay kaming umupo sa sala. Buhat buhat ko pa rin si Luke at ngayon ay nakapatong na sa lap ko.
Parang tsanak tong buhat buhat ko.
"Tapos na ako. Kasabay ko si Raze kanina eh" sabi ko saka tumango lang si Kuya Vin. Kinuha niya yung kotse na iniiyakan ni Luke sa akin.
"Pagsundo ko sakanya,sabi nung teacher niya iyak daw siya nang iyak. Dahil nga riyan sa kotse na yan" sabi niya saka nilapag yung kotse sa may table sa harap niya. "Saka anong sinasabi mong wala siyang ganyang laruan?"
Totoo naman eh. Walang ganyang toy si Luke. Alam na alam ko binibili sakanya ni Mommy at Daddy eh.
"Wala naman talaga kuya. Sino ba nagbigay sa iyo niyan,Luke? Baka napulot mo naman yan sa playground o kung saan" sabi ko tapos kumawala si Luke sa yakap tapos nagpunas punas ng mata habang humihikbi.
"Eh bakit nasa kanya yan? Sabi ng teacher niya dala dala niya nga raw lagi matagal na" sabi ni Kuya habang nakacross arms at nakatingin kay Luke.
Tumingin ako kay Luke na unti unting tumatahan.
"Luke? Kanino ba ito talaga? Kung sayo ito,sino nagbigay sayo? Be honest" malambing kong sabi saka hinagod ko buhok niya.
"K-Kuya M-Migo g-gave that car t-to me. T-That's why I'm crying because Gio broke it huhuhuhu!" Umiyak na naman siya saka niyakap ako.
Migo na naman!
Nagtitigan kami ni Kuya Vin saka I just shrugged.
Hindi ko alam kung kailan niya binigyan si Luke ng laruan.
Oo nga pala,magbestfriend na tong si Luke tas si Migo.
Buti pa sila no.
Migo na naman! Pwedeng iba naman?
Bakit,nagsasawa ka na? Dahil may special someone na siya at wala kang chance?
AAAA! BWISIT!
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
أدب المراهقين"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...