Chapter 72

2K 53 19
                                    

Haywen's POV

Nagising ako ng maaga at nakita ko ang backpack ko sa higaan. Tinignan ko yung laman at may mga damit doon. Oo nga pala ngayon yung outing.

PERO AYOKONG SUMAMA!!!!!!!

Tumayo ako para ibalik sa cabinet ko yung bag. Nang makita ko si Raze na tulog sa may comforter sa baba sa tabi ng kama ko.

Diyan si natulog?

Siya siguro nag impake para sakin?

Madaling araw pa lang pala. Nilagay ko yung bag ko sa gilid ng kama saka natulog. Magtutulog tulugan na lang ako para hindi ako makasama!

Saka ayokong pumunta sa resort nila mommy and dadd. Dreywell Marina Resort ang pangalan. May 3 big swimming pools at may wavepool pa. May beach din doon eh.

Kaso nga kang hindi ako marunong lumangoy

HAAAY! Hindi ako sasama! Matulog ka na AYEN!

Migo's POV

Dito kami natulog sa may guest room. Tatlo guest room nila dito kaming lima sa isa tapos sila Maries sa kabila.

Nasa malambot na comforter kami katabi ng mga kapatid namin. Katabi ko ngayon si Micko na nakayakap sakin habang naghihilik.

-_-

Hindi ako makatulog dahil inaalala ko siya. BWISIT!! Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang sinasaktan puso ko kagabi nung makita kong malungkot si Haywen? 

Hindi dapat ako magpa apekto. Hindi dapat.

Gagawin na sana namin yung plano ko kanina na tuluyan si Raze. Kaso doon natulog sa kwarto ni Haywen!!

Tinignan ko wall clock nila at 3:07 pa lang.

Shit!

Saka nakita kong unti unting bumukas yung pinto. Pinikit ko agad mga mata ko saka sumilip ng konti.

Nang makita ko kung sino yun ay...



Haywen



Dahan dahan siyang pumasok saka sinara yung pinto. Halatang galing sa iyak mukha niya. Luminga linga muna siya saka lumapit siya doon sa may drawer malapit sa pinto. Dahan dahan siyang naglakad saka binuksan niya yung drawer.

May kinuha siya doon saka sinara na niya ng dahan dahan.

Susi

Anong susi kaya yun?

Saka dahan dahan na siyang lumabas. Minulat ko mga mata ko. Naghintay muna ako ng ilang segundo para tumayo baka sakaling bumalik siya.

Agad akong tumayo saka lumapit sa drawer. Hinawakan ko ang handle na iyon at hinila ko pero NAKA LOCK!

Anong susi iyon?

Bumalik ako sa higaan ng makarinig ako ng yapak ng mga paa.

"Blood doon sa may bintana"mahinang sabi. Si Keran ba iyon? Anong bintana?

"Sure ka ba tol na nakita mo sila? Baka antok lang yan"saad ni Blood

"Hindi tol!"mahinang sabi ni Keran "may hawak na baril at nakatutok sakin kanina. Buti nga't nasara ko ang bintana"

Baril.

HOLY SHIT!!

Napabangon ako bigla saka lumabas. Natagpuan ko sila Blood At Keran na dahan dahang bumababa.

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now