Chapter 13

3.3K 72 1
                                    

Raze's POV

Nasan kaya si Haywen? San nagpunta kaya yun? Wala siya sa bahay nila. Ano ba yan.

Naglakad lakad ako nilibot ko itong village. Tinawagan ko pero nakapatay ang phone. Naman Ayen san ka ba???

Nadaanan ko ang play ground nakita ko si Haywen na naka upo habang ginagamit ang inhaler niya. Tumakbo ako palapit sakanya.

"Haywen!"saka lumapit ako sakanya. Umupo ako sa tabi niya at tinatapik tapik ko ang likod niya

Hinihingal siya anong nangyari dito?!

"Haywen anong nangyari sayo ha?"saka niyakap ko siga. Nahihirapan siya

"Halika na sa hospital!"pero ng aalalayan ko siya na tumayo hinawakan niya ako sa braso

"W-wag na o-ok na ako"saka ako umupo. Bumuti na rin siya. Nabawasan ang pag hingal niya

"Ano bang nangyari sayo ha? Hinahanap kita kanina pa. Ano bang ginawa mo? Tinatawagan kita nakapatay naman phone mo. Ano nangyari ha??"di siya makatingin sa akin. Umupo ako sa tabi. Pinunasan ko yung mukha niya kasi namumula at parang naiiyak siya

"W-wala Raze nag lalakad lang ako dito bigla nalang akong hinika"saka sumandal siya sa balikat ko. Nararamdaman ko pa rin ang mabilis niyang paghinga.

"Pinag-alala mo naman ako! Next time tawagan mo ako ha? Ayan tuloy. Kanina ka pa ba dito?"

"O-oo"

"Sana tinawagan mo ako para may kasama ka ayon may mangyaring masama sayo. Lagot ako kela tito at tita. Pinagkatiwala ka nila sakin"

"S-sorry na boring kasi ako"

"S-sige na. Wag ka munang magsalita. Gamitin mo na yang inahaler mo"saka ginamit niya uli. Nakasandal lang siya sa balikat ko

Napapansin ko mas lalong kumakala ang hika ni Haywen. Siguro yun nangyari dati. Ayoko ng balikan yun pero kapag nakikita kong nahihirapan si Haywen bumabalik lahat.

"R-raza masakit puson ko"agad akong humarap sakanya. Di kaya dahil siya hinika dahil sa sakit sa puson niya?

"Halika na sa bahay niyo. Gusto mo sa hospital ha?"nakayakap ako sakanya habang nakahawak siya sa puson niya.

Di ko alam gagawin ko

"Halika piggy back ride nalang"bumaba ako dumagi na siya
Sakin.

Naka piggy back ride siya sakin. Naramdaman ko ang ulo niya na nakalagay sa leeg ko. Napagod ti.

"Sorry Raze ah?"

"Sorry saan?"

"Dahil dito. Pabigat ako sayo"

"Sus hindi ah! Never kang naging pabigat sakin"

"Sorry talaga"

"Wag kang mag sorry di mo naman ginusto to. Masakit pa ba? Malapit na tayo"

"Oo masakit pa"

Binilisan ko ang lakad ko. Nararamdaman ko na parang may basa sa leeg ko. Umiiyak ba siya?

Ng makarating kami pumasok agad kami sa kwarto at pinahiga siya. Kumuha ako ng hot bag kasi wala akong alam dito.

"Ito muna gamitin mo" asik ko saka binigay ang hot bag sakanya

"Ginamit ko na to kanina"

Ano kanina??

"Anong kanina?"

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now