Chapter 68: Part 2

2.1K 64 44
                                    

Dahil gusto kong matapos ang story na ito ay ginagawa ko talaga best ko. Ang bawat isang chapter na nagagawa ko ay kalahati o isang oras ko nabubuo. Then, kapag babasahin ko naman,





WENGYA ILANG MINUTES LANG! YUNG TOTOO?!

ASAN ANG HUSTISYA?😭

Ey! Sa mga nagtatanong kung hanggang ilang chaps ito? Eh yun ang hindi ko pa alam. Balak ko sana 150 kaso itong utak ko maraming bulate. Hindi ko alam kung paabutin ko pa diyan. Haaay basta update ko kayo ehehehehehe. Dahil malapit na ang pasukan ay madalang na lang ako mag-update. Pero promise ko sainyo na gagawa pa rin ako. Iipunin ko lahat ng chaps na magagawa ko hehe. Para hindi naman na kayo mabitin huhuhu. Sarap ko bang ibitin sa puno?😂 hahaha de chewet lang iyon hahaha!

Oh so ayun nga, dahil malapit ng pasukan kelan kong mag-aral mabuti para paglaki? Hindi ako magiging KAPWA😂 para HAYAHAY!😆

Saka syempre kapag nag-aaral ako walang gadgets hahaha. But, i'm goddamn sad because school is near😭. Seriously i don't want to go to school yet. I'm lazy u know? When classes will start, haaaayy i'll just focus on it. Sayang medal uy!😂pwedeng ipang sangla kapag gipit ako haha😂 


L Stargazer.



Raze's POV

Sinabi sakin lahat ni tita Marji ang pwede naming gawin para hindi mapansin ni Haywen si Migo. Sobrang laki ng galit ko kay Migo noon! Lagi siya kasing pinapansin ni Haywen noon. Samantalang ako? Wala! Pero never akong nagalit noon kay Haywen. At alam kong gagawa ng paraan si Migo para makuha sa akin si Haywen! Pero hinding hindi ko hahayaan iyon.

Kasalukuyan kaming bumabyahe papunta sa bahay nila Haywen. At balita ko na nabastos si Haywen nung pumunta sila sa mall. Tulala ito masyado. Hindi daw nila makausap. Ahh! Wala ako sa tabi niya!


Kailangan na naming sabihin lahat kay Haywen. Saka hindi naman ako nawalan ng ala-ala. Sila Haywen lang ang nawalan ng ala-ala sa amin. Ewan ko sa Migo na iyon! Oo nagsinungaling ako kay Ayen na wala akong alam. Para sa ikabubuti niya iyon. Ngayon at nalaman kong kalaban ng mga Dreywell ang Grochwid.

Makakagawa ako ng hakbang para maangkin siya.

Gagawa ako ng paraan para maging mabait ako sa paningin ni Haywen. Tutulungan ko siyang makilala niya ang bestfriend namin noon. Kasabay ang plano namin nila tita.

Malaki ang galit nila tito at tita sa mga Grochwid. Pero dahil kay Haywen ay isinantabi nila iyon. Pero hindi pa rin mawawala yung plano nila.

Noong una hindi ko talaga matanggap yung plano nila pero kalaunan ay sumama na ako sakanila. Mas mapo-protektahan ko si Haywen.


Sumama ako sa mafia group nila tita. Papatayin ko siya at sisiguraduhin kong hindi na niya kami magugulo ni Haywen,kapag nangyari yung pinaplano ko.


Haywen's POV

Kung ano man yung sasabihin nila ay magiging handa ako. Ewan ko ba parang kinilabutan ako eh. At alam kong sa past life namin noon iyon.

"Caleb, nasa labas na sila tita marami silang dala"wika ni kuya Zogy. Nakaupo pa rin ako sa may sofa. Agad namang tumayo si kuya Caleb at lumabas. Nakarinig ako ng matinis na boses.

"Kuyyaaa CAAALLLEEEBB!"masayang sabi ni Lucas. Hindi ko sila nililingon pero alam kong binuhat ni kuya si Lucas. Favorite ni luke si kuya C eh.

Lumabas din sila kuya V at kuya Z para tulungan sila. Hihihihi oo nga dami nilang dala. Pero magiging tulala pa rin ako dito hangga't hindi nagiging klaro ang lahat.

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now