Something's bothering my mind. I couldn't understand how i feel right now. Isssssssshhh!!!!
Paalala!
Ang mga nakapaloob na mga salita,tagpuan, at kaganapan sa storyang ito ay gawa ng malikot kong isip. WAG SE-SERYOSOHIN,NAKAKASAMA!
Haywen's POV
Hindi ko alam kung paano ako nakaligtas at nakatagal sa mga nangyayari sakin. Though, mahina ako at lampa. Thank God kasi sa kabila non ay hindi niya kami pinabayaan.
Challenges can make us stronger than we expect.
So ayun nga, ngayon yung araw ng pagbisita ng mga chairmans sa school.
Bakit ba ako natatakot? >_<
Medyo masakit pa rin katawan ko. Pero kaya ito no!
Paglabas ko ng pintuan namin bigla akong nagulat! Si kuya Caleb nasa pintuan pagbukas ko!
"Ay!"gulat kong sabi. Napaatras naman ako ng kaunti. Medyo sumakit tuloy likod ko. Napahawak ako sa likod ko saka bahagyang hinimas.
Nakatingin lang sakin si kuya Caleb habang nakapamulsa. Ano kayang meron? Cold ng tingin ni kuya. Ano pa bang aasahan ko sakanya? Alangan namang hot? Tsk
"Haywen"boses ni kuya Zogy. Napalingon ako sa likuran ko. Palapit siya sa amin.
Ano kayang meron?
"Ano po iyon kuya?"tanong ko sakanya. Nang makalapit samin si kuya Zogy ay nagsalita siya
"Si Caleb ang maghahatid sayo papuntang school"wika ni kuya Zogy
Ano?
Ano?
Ano?!
•.•?
"K-kuya?"sabi ko. Parang tinatanong ko si kuya Z kung totoo.
"This week lagi ka na niyang ihahatid. Hanggang sunday kami dito. Si tita at tito na ang nagsabi. Tutal wala naman siyang ginagawa dito"wika ni kuya Z na nakatingin kay kuya C.
Baka ayaw ni kuya Caleb?
"K-kaya ko naman po k-kuya eh"nakayukong sabi ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag kasama ko si kuya Caleb. Hindi talaga! Para nga akong hindi makahinga eh saka hindi ako makagalaw. Limitado galaw ko kasi feel ko napapansin niya ako lagi.
"No. Magsumbong ka sa akin kapag sinigawan or inaway ka niyan."seryosong sabi ni kuya Z.
Minsan nga na wa-wonder ako kay kuya Z at kuya V. Mas mature kasi si kuya Z mag isip kaysa kay kuya V na mas matanda pa sakanya. Pero may pagka isip bata din naman si kuya Z eh.
Narinig kong nag 'tsk' si kuya Caleb.
"Oy brad! Ingatan mo itong pinsan natin. Wag na wag mong aawayin"wika ni kuya Z kay kuya C.
Walang ganang tumango si kuya C saka lumayas sa harap namin. Sumakay na siya sa kotse nila.
"Sige na Ayen pumasok ka na. Baka ma late ka"sabi ni kuya Zogy. Nginitian ko lang siya ng tipid
"T-thank you,kuya"sabi ko. Tinap niya ulo ko saka lumabas na ako.
Pagpasok ko sa kotse ay agad pinaandar ni kuya Caleb.
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Teen Fiction"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...