Haywen's POV
Naimulat ko na ang mga mata ko. Tinangal na ang machine na nakakabit sakin. Nasa private room na ako.
"Anak? Ayos ka na ba ha?"asik ni mom
"Opo"may nakakabit pa rin sakin na oxygen.
Dumating si Drasic kasama si Coward. Umiyak nanaman siya
"Haywen! Ano ba yan! Lagi nalang ganito huhuhu"iyak ni Drasic saka niyakap ako
"Ayos ka na ha Haywen?"tanong ni Coward
"Ahh oo medyo mahina pa"
"Babalian ko talaga ng buto yung mga yon!!!"
"Nga pala si Raze,Chandy atKurt?"
"Ayun ok na sila. Sabi ng doktor yung tumama sakanila na dart may poison pala. Kaya buti nalang naagapan agad."
Kinabahan ako doon
"Buti nga ikaw hindi natamaan"
"Kaya nga eh. Kawawa nga sila. Pero kamusta na sila yung lima?"
"Ahh yun ang di ko alam. Pero ang alam ko dito din sila."
"Ahh ganoon ba"
Matapos kaming mag usap kumain kami at nagkwentuhan muna. Saka umalis na sila.
"Mom dad labas lang po ako sandali please?"
"Anak saan ka pupunta?"binaba ni dad ang hawak niyang newspaper
"Magpapahangin lang po ako"
"Anak mahina ka pa"
"Dad ok lang po ako"
"Anak sige basta bumalik ka agad ha?"si mom
"Opo" tinanggal ko ang oxygen na nakakabit sakin. Ok naman na ako. Kinuha ko yung stand dahil nakasabit ang dextrose ko. Naglakad na ako papunta sa room ni Raze. Katabi lang naman ng room ko.
Kumatok ako at binuksan ko. Nakita ko si tita Ritchelle na umiiyak
"Tita?"
"Haywen!"niyakap ako ni tita "kamusta ka na ha?"saka pinaupo niya ako. Inalalayan niya ako na makaupo dahil may dala akong stand
"O-ok lang naman po ako tita. Si Raze po?"asik ko. Maayos naman siyang tignan
"Eto sabi ng doktor kumalat daw ng 25% sa katawan niya yung lason. Kaya until now wala pa siyang malay. Pero stable na siya"
"Ganoon po ba"
"Anak natatakot na ako. Pinahuli na nami yung mga nagtangkang kunin ka anak. Pati yung mga balak patayin ka. Magpapadagdag na kami na guards ninyo anak pati body guards."
"Tita hindi na po kailangan"
"Anak Ayen kailangan para sa seguridad niyo"
"S-sige po"
"Anak? Sandali lang ha? May tumatawag sa akin maiwan muna kita dito? Sandali lang anak ha?"asik ni tita
"Sige po tita ako ng bahala"
Saka nginitian ako ni tita at lumabas na siya. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Raze para mahawakan ko.
Hinawakan ko ang ulo niya
"Raze gising na"
Buti nalang walang nangyaring masama sakanya
Kasalanan ko lahat ng to. Kasalanan ko lahat. Lahat lahat lahat lahat!!!!
YOU ARE READING
President VS Muse: The Clash Between Them
Ficção Adolescente"She's mine! Totally mine" Migo said with arrogant tone "Tsk. She is never yours, you a**hole. You are now claiming her because of your plan! Haywen, come with me, I will protect you" Raze said with annoyance that faded quickly when he talked to Hay...