Chapter 76

1.9K 51 50
                                    

Raze's POV

Papunta na kami sa parking lot nang bigla kaming tinawag ni Drasic. At sakto,tumunog din phone ko.

"Guys! Guys! May malay na si Haywen! May malay na siya!!" Masaya at hindi makapaniwalang sabi ni Drasic

Bigla akong napangiti at parang nabunutan ako ng tinik sa puso ko.

"Totoo ba yan?!" Masaya kong tanong at agad kong tinignan phone ko

"Salamat naman kung ganoon!" Masayang sabi ni Kurt

At text din pala ni tita Marjia na nagsasabing

"May malay na si Haywen,Raze. Punta kayo sa room 28."

Agad kaming nagtungo sa hospital,dala ang kanya kanya naming sasakyan.

Salamat sa Diyos at may malay na si Haywen!

Pagkarating namin sa hospital ay bigla akong nagtaka.

Kotse ni Migo at yung mga kasama niya ito ah?

Isang Mustang na yellow,Porsche na blue,Ducati na black at dalawang Bugatti na black at gray.

Sakanilang lima ito.

At saka bakit sila nandito?

Nauna pa talaga sila

Mga walang hiya

Sila ang nananakit kay Haywen tapos gaganito sila?

Agad akong bumaba ng kotse ko at hindi ko na hinintay sila Drasic.

Agad ako nagtungo sa sa kwarto na iyon. Ngunit natigilan ako nang makita ko ito...













Umiiyak si Migo?










Naka upo siya sa may visitor chair sa labas ng kwarto. Nakayuko siya at umiiyak siya.

Pakitang tao

Siya lang ang nandoon at malamang nasa loob yung apat

Dapat hindi na sila pinapasok ni tita Marji!

Pero anong magagawa ko?

Lumapit ako sakanya at tumawa na may kasamang slow claps.

"Napakagaling namang umarte nito. Daig pa ang best actor eh" pang aasar ko at tinignan niya ako habang nag sslow claps ako.


Lumuluha siya

Tss

Tumayo siya saka ngumiti sakin at tumawa

"So kung ganoon,satisfied ka sa arte ko na ito?" Tanong niya saka umiling iling. Pinunasan niya mga luha niya

Sinasabi ko na nga ba

"Di ka na dapat nagpunta rito" nakangiting sabi ko "at saka wala kang lugar dito"

"Walang lugar? Tss. Ikaw ang wala lugar dito" saka mahina siyang tumawa "tignan mo nga,ako ang unang tinext ni tita Marji para puntahan dito si Haywen. Eh ikaw naman,Raze?" Bwisit to ah

Totoo ba? Siya ang inuna?

"Pfft! Pati pag text iuungkat? Iba rin mindset mo no?Saka ano naman ngayon kung nauna kang tinext? Ikakamatay ko ba yun?" Saka ako umiling iling at tumawa ng mahina. Napaka bobo nito

"Hindi mo ikakamatay yun,dahil ako mismo ang papatay sayo." Nakangisi siya ng sinabi niya iyon. Nawala yung bahid ng iyak sa mukha niya.

President VS Muse: The Clash Between Them Where stories live. Discover now