Kyrie
Umupo ako sa kama ko. Pinakinggan ko lang ang usapan nila.
"Hija, wag kang mahiyang magsabi sa amin kung may problema kayo ng anak ko. Hindi namin sya kukunsintihin." Hinawakan pa sya ni daddy sa kamay.
"Wala naman po kaming problema dad." Sagot nya. Ewan ko ba kung bakit hindi nya sabihin ang totoo na hindi kami okay na dalawa.
"Mag-almusal po muna kayo ni mommy, daddy." Alok nya sa dalawa.
"Good idea anak. Gutom na rin kami." Bakit ang gaan lang ng usapan nila? Miss ko na yung ganyan lang ang usapan namin nila mommy at daddy.
"Sige po, susunod na lang po kami sa baba." Napakunot yung noo ko sa sinabi nya.
Nakita kong tumalima naman sa kanya yung parents ko.
"Hoy gorilyang tatuan, lutuan mo ng almusal sila daddy mo!" Nakapamaywang na sabi nya sa akin.
"Ang galing mo rin no? Ikaw ang nag-alok sa kanila na mag-agahan dito tapos ako papalutuin mo?" Reklamo ko sa kanya.
"Dami mo pang sinasabi dyan. Kumilos ka na! Alam mong hindi ako marunong magluto." Pagsusungit nya sa akin. Sasagot pa sana ako kaso pumasok na sya ng banyo.
Padabog akong bumaba para magluto ng agahan. Wala naman akong choice diba?
Nakita ko sila mommy sa sala, nanonood ng balita. Dumiretso na ako sa kusina upang magluto.
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay bumalik ako ng sala para tawagin sila mommy.
"Breakfast is ready. You can eat now." Walang gana kong sabi sa kanila.
"Tawagin mo na si Lei para sabay-sabay na tayong makakain." My dad said. Hindi ako sumagot at nagtuloy-tuloy lang ako sa hagdan. Saktong pababa naman ang bruha.
"Where are you going?" Tanong nya sa akin.
"Sa kwarto. Bakit, gusto mong sumama?" Nakakaloko kong tanong sa kanya. Her cheeks blushed.
"Pervert! Saluhan nating dalawa ang parents mong kumain. Wag kang bastos!" Galit na sabi nya sa akin. Hinaltak nya ako pababa ng hagdan.
"Okay, okay. You won." Pagsuko ko. "Ang liit-liit na babae, napakatapang!" I burst. Tinignan nya lang ako ng masama.
Pagpunta namin sa kusina, the table was set. Inayos na malamang ni mommy.
"O halina kayo, kain na tayo." Nakangiting aya sa amin ni mommy.
Umupo naman ako sa katapat na upuan ni mommy. Yung bruha naman ay nagtimpla ng kape nya.
"Anong oras ang pasok mo sa school hija?" Tanong sa kanya ni daddy.
"10am pa po dad, may event po kasi sa school ngayon." Magalang na tugon nya. Tumango-tango lang naman si daddy.
"Anong oras na naman ba umuwi yang asawa mo?"
"3am." Inunahan ko sya sa pagsagot.
"Kita mo na, iniiwan mo si Lei dito nang mag-isa lang. Paano kung may pumasok na magnanakaw dito sa bahay nyo?" Pagalit ulit sa akin ni daddy.
"My house!" Pagtatama ko. "Are we going to eat o sesermunan nyo lang ako?" Nilaro-laro ko yung pagkain sa plato ko.
"Kay, tama na." Awat sa akin ng bruha.
"No! Anong tama na? This is my house so I can say whatever I want to say." Galit na talaga ako. Ibinagsak ko pa yung spoon and fork na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."