Chapter 22

158 53 11
                                    

Kyrie

   Pagdating namin sa bahay, hindi talaga ako kinikibo ni Eros kahit anong gawin kong pagpapapansin sa kanya. Natapos kaming kumain ng wala man lang nagsalita sa amin.

   Pagkatapos kong maglinis sa kusina ay nakita ko syang nakaupo sa sala habang may kausap sa phone.

   "Hay naku besh, feeling pogi!" Sabay tingin sakin ng pairap. Si Sam pala yung kausap nya.

   "Sige besh, magbibihis pa ako eh. Bye, love you." Paalam nya sa kausap nya.

   Lalapitan ko na sya ng bigla syang tumakbo palayo sa akin at patakbong umakyat sa kwarto. Napapailing na lang ako sa kanya. Immature talaga.

   Umupo ako sa sala para manood muna. Siguro nakaisang palabas na ako ng makaramdam ako ng pagsakit na naman ng ulo ko. Hinilot-hilot ko muna iyon bago nagpasyang umakyat sa kwarto.

   Nagsalubong yung mga kilay ko ng makita ko yung dalawang unan sa tapat ng pintuan. Nilapitan ko iyon. Di nga ako nagkamali, unan ko yun. May gamot pa sa ibabaw at may note.

   "Uminom ka na ng gamot."

   Yan yung nakalagay sa note. Kinalampag ko yung pintuan pero hindi nya pa rin binubuksan iyon.

   "Lei Eros, open this damn door!" Dumagundong yung boses ko sa buong bahay.

   "No, I won't!" Sigaw nya rin sa loob ng kwarto.

   "Okay, let's talk." Huminahon yung boses ko. Akala mo kaharap ko sya ngayon. Hinintay ko kung sasagot pa sya pero katahimikan lang ang umiral.

   "Eros, please open this door. May lakad pa ako bukas." Sabi ko ulit habang pinipihit-pihit yung door knob.

   Ang tagal ko nang nakikiusap sa kanya na buksan yung pinto pero wala pa rin. Napaupo na lang ako dahil sa pagsuko. Kinuha ko yung mga unan at tumayo na.

   Pababa na ako ng magring yung phone ko sa bulsa. Agad ko namang kinuha iyon, si Al lang pala.

   "Zup bruh!" Bati nya sa akin ng sagutin ko yung tawag nya.

   "What?" Medyo masungit kong tanong.

   "Woah, mukhang badtrip ka ngayon ah?" Natatawang sabi nya.

   "Abnormal kasi si Eros eh, tinopak na naman."

   "Bakit na naman? Di ka pa rin ba makascore?"

   "Pakyu ka! Hindi yun! Nakita nya kasi sa parking lot kanina na hinalikan ako ni Halsey."

   "Naku ka, talagang magagalit yun. Bakit kasi nandun si Halsey?" Tanong pa nya.

   "Ewan ko dun. Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa batok ko at hinalikan ako." Paliwanang ko sa kanya.

   "I try to explain pero ayaw nya makinig." Dagdag ko pa.

   "Edi suyuin mo. Di naman mahirap iplease si Lei eh."

   "Anong hindi? Eto nga oh, nilagay sa labas ng kwarto yung mga unan ko. Ayaw ako papasukin sa kwarto." Reklamo ko sa kanya.

   "Wahahaha!" Malutong na tawa nya. "Si Kyrie Irving? Naevict sa kwarto nilang mag-asawa?"

   "Pakyu!" Pikon kong sabi.

   "San ka matutulog nyan?"Tanong nya.

   "Sa sala malamang. Nakalock yung ibang kwarto eh, nasa kwarto namin yung mga susi." Inis na sabi ko.

   "Hahaha!" Tawa na naman nya.

   "Maiba tayo Kyrie, masarap ba?" Tanong ni Al.

   "Ang alin?"

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon