Chapter 47

112 46 28
                                    

Lei Eros

   "Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig."

   Pakanta-kanta ako dahil naiinip ako sa ikot ng washing machine.

   "Talaga ba?" Napalingon ako ng marinig ko yung boses ng asawa ko.

   "Eng-eng ka? Kanta yun baliw." Sabi ko sa kanya sabay irap.

   "I like the lyrics of the song. Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig. It make sense for me." Nakangiting sabi nya.

   "Yeah, I agree." Pagsang-ayon ko at humarap sa kanya. "Kaso parang ang broken ng kumakanta."

   "How do you say so?" Lumapit pa sya sa akin at niyakap ako sa bewang.

   "Wala lang. Nasabi ko lang." Sagot ko.

   "Anong gusto mong tanghalian?" Tanong nya sa akin habang hinahalik-halikan yung leeg ko.

   "Ikaw." Sagot ko.

   "Ako?! Woah! Good idea!"

   "No!! I mean, ikaw bahala!" Paliwanag ko.

   "Weh, sabi mo ako eh." Pang-aasar nya sa akin.

   "Leche ka, magluto ka na nga dun." Taboy ko sa kanya.

   Kumalas naman sya sa pagkakayakap sa akin. "Asus, kunyari ka pa. Nahiya ka lang sa sinabi mo eh." Asar nya pa rin sa akin.

   "Sira ulo. Mali kasi pagkaintindi mo."

   "Whatever, Mrs. Irving. Whatever." Kumaway pa sya habang nakatalikod at umalis na.

   "Mrs. Irving." Ulit ko sa sinabi nya. I feel butterflies on my stomach. Di ko mapigil yung ngiti ko.

   "Hay naku Lei, focus at the laundry." Pagalit ko sa sarili ko.

   Ganon  na nga ang ginawa ko. Inabala ko ang sarili ko sa paglalaba. Late na kasi ako nakapagsimula kaya inabot na ako ng tanghali.

   "Mommy!"

   "Waahhhh!" Sigaw ko naman. Tinignan ko ng masama si Kay-Kay. Ginulat ba naman ako. Tawa naman ng tawa ang kingkong.

   "Pag ako nahulog dito sa upuan." Nanggigigil na sabi ko. Nakapatong kasi ako sa upuan.

   "Bat kasi nakapatong ka sa upuan?" Nakasalubong ang kilay na tanong nya.

   "Wala yung panungkit. Naiwan ko dun sa basement."

   "The table was ready. Let's eat." Inakbayan nya pa ako.

   "Sige. Ligpit ko lang to. Tapos naman na ako eh."

   Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay agad akong pumunta sa dinning area. Nakita ko syang naghihintay doon.

   "Let's eat!" Masayang sabi ko.

   "Kain na talaga tayo kasi gutom na ako." Sagot naman nya.

   "One win na lang pala kelangan nyo sa pacers mamaya no?" Kausap ko sa kanya habang nilalagyan ko sya ng pagkain sa plato nya.

   "Yes bru."

   Inirapan ko naman sya. Bruha kasi ibig sabihin ng bru. Tumawa naman sya ng mahina.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon