Lei Eros
Maagang umalis sa hawla si kingkong, may pupuntahan daw silang school ng ibang teammates and coaches nya. Edi wow! Papasok akong mag-isa ngayon.
Pagdating ko sa school ay nagkakagulo ang mga students. Wait lang, wala bang klase ngayon? Bakit tumatakbo sila papuntang gym?
"Besh, ang tagal mo naman. Kanina pa kita hinihintay eh." Salubong sa akin ni Sam.
"Bakit, anong meron?"
"Ewan ko, may event daw ngayon sa gym." Sagot nya naman habang tinitignan yung kuko nyang bagong pedicure.
"Ano, wala man lang announcement? Biglaan talaga? Adik rin tong school natin no?"
"Ewan ko ba. Tara na nga."
Naglalakad na kami papuntang gym nang tawagin kami ni Steven, nakapangbasketball uniform ito.
"Hi babe." Sabay akbay nya sakin. Sinikmuraan ko naman sya.
"Babe mo yang mukha mo."
"Aray ko naman. Suntok yun nang pagmamahal." Biglang sabi nya.
"Ahh.. gusto mo patayin kita ng pagmamahal?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit ka ba nakaganyan?" Tanong naman sa kanya ni Sam.
"Maglalaro malamang." Sagot naman nya kay Sam. "Panoorin mo ako babe ah? Bye." Sabay takbo nito palayo sa amin.
"Maya na tayo pumunta ng gym besh, kain muna tayo." Nagugutom kasi ako eh. Di ako nag-agahan. Sermon na naman ako nito kay kingkong mamaya.
"Sige, tara na. Kakain din ako. Di rin ako nag-agahan eh." Sagot nya naman.
"Parehas lang pala tayo eh." Nakangiting sabi ko.
"Mag best friends nga talaga tayo!" Magkasabay na sabi namin.
-----
"Luh besh, ang daming tao. Pano tayo makakapasok ng gym nyan?" Maarteng sabi ni Sam.
"Edi makikisiksik tayo. Akong bahala." Kumindat pa ako sa kanya.
Magkahawak kamay kaming sumiksik sa mga students.
"Excuse me, excuse me." Sabi ko. Hay, sa wakas. Nasa entrance na kami ng gym.
"Bilib na talaga ako sayo besh." Tuwang sabi nya nang naglalakad na kami sa loob.
"Ako pa ba?" Mayabang kong sabi.
Sus, basketball lang pala ang ganap dito sa gym. Naglalakad kami sa bandang gilid nang ring dahil may nakita akong upuan doon nang may nakita akong malaking anino na humarang sa akin.
Nanlaki yung mga mata ko dahil parang pabagsak sa akin yung kung sinuman yung may ari nang anino na yun. Ipinikit ko na lang yung mga mata ko nang madiin.
Nakiramdam ako kung nabagsakan na ba ako pero parang hindi naman. Iba ang naramdaman ko ngayon. May pamilyar na amoy akong naaamoy. Ang bango. May mga braso ring nakayakap sa akin.
"Hi bru." Automatic na napataas ako nang mukha.
Nakangiting mukha ni Kyrie yung nakita ko. Pawis na rin yung noo nya.
"Woah! Baka gusto mong bitawan ang girlfriend ko?" Sabay kaming napatingin sa likuran nya, si Steven pala. Malakas na tawa lang ang isinagot sa kanya ni Kyrie.
"Hoy, wag kang feeling. Di kita boyfriend." Kontra ko sa sinabi ni Steven.
"Grabe ka naman Lei, sagutin mo na kasi ako?"–Steven. Di ko na lang sya pinansin.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."