Chapter 51

92 45 13
                                    

Lei Eros

Ang mga unggoy, wala man lang kacare-care sa amin. Parang towel lang kaming isinabit sa mga balikat nila.

"Kay, ibaba mo nga ako. Nauuntog na ako sa likod mo." Angal ko dahil totoo naman yun, kada lakad nya ay humahampas yung mukha ko sa likuran nya.

Nagulat ako nang maramdaman kong tumatakbo na sya.

"Wahh!" Napalingon ako kila Sam at nakita kong tumatakbo na rin si kuya Al habang buhat sya.

"Sh*t! This is not good!" Sigaw ni Sam ako naman ay nanlalaki yung mga mata nang makita kong malapit na kami sa pool.

Ihinanda ko ang sarili ko sa kung anuman ang mangyayari. Nang maramdaman kong tumalon na si Kay-Kay ay agad akong huminga ng malalim at pinisil ang ilong ko ng ubod diin.

Naramdamam ko na lang ang malamig na tubig sa buong katawan ko. Nagmadali naman akong lumangoy paahon pero pinipigilan ako ni Kay-Kay sa ilalim. Nakita ko syang pilyong nakangiti habang nakatingin sa akin. Pinandilatan ko sya ng mga mata dahil any moment ay pwede kami kapusin ng hangin sa katawan.

Pinilit kong makawala sa kanya pero malakas talaga ang unggoy sa ilalim ng tubig. Nakita kong dinadampi-dampi nya yung hintuturo nya sa labi nya. Senyas na ikiss ko sya. Umirap muna ako sa kanya bago lumangoy palapit sa kanya at hinalikan sya sa mga labi nya. Pagkatapos ay sabay na kaming lumangoy paahon ng tubig.

"Hah... Haahh!" I gasp some air. Hinanap ng mga mata ko sila Sam pero wala sila.

"San yung dalawa? Luh, baka nalunod!" Tarantang sabi ko. Bago pa ako makalangoy ulit ay hinawakan ni Kay-Kay yung braso ko.

"Just like us, they're kissing under the water." Kinindatan nya pa ako.

Kissing under the water? Saan? Saan banda? Tanong ko sa utak ko at nagpalinga-linga. Tinakpan naman ni Kay-kay ng kamay nya yung mukha ko. "Wag mo nang hanapin, mamaya pag nakita mo na naman magsigaw-sigaw ka na naman dyan."

"Okay fine!" Sang-ayon ko na lang. "Kain na tayo Kay, gutom na ako." Nakanguso kong sabi dahil naramdaman kong tumunog yung tiyan ko.

"Takaw talaga." Sabi nya at ginulo pa lalo ang basa kong buhok. Pagtalikod ni Kay-Kay ay agad akong sumakay sa likod nya.

"Tinatamad akong lumangoy eh." Sabi ko nang makita kong bahagya nya akong nilingon. Nailing na lang sya sa ginawa ko.

Ipinaghain nya ako ng pagkain. Syempre feeling reyna na naman ako. Tinanong nya ako kung ano ang gusto kung kainin at inilagay iyon sa plato ko.

"Thank you Kay." Malambing kong sabi nang maiabot nya na sa akin yung platong may pagkain.

"Always welcome bru!" Nginitian nya pa ako ng matamis. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Alam ko yung bru na yan, bruha ibig sabihin.

Habang kumakain ako ay naramdaman kong may towel na tumakip sa katawan ko. Pagtingin ko si Kay-Kay. Sheeeshhh!!! Ang sweet diba? Umupo na rin sya sa tabi ko at nag-umpisang sumandok ng pagkain nya.

"So kayo lang ang kakain? Di man lang kayo mang-aalok?" Mataray na sabi ni Sam habang palapit sila ni kuya Al sa amin.

"Busy kayo sa ilalim ng tubig eh." Kyrie emphasis the word busy. Hindi naman nakaimik si Sam at halatadong nahiya.

"Tawag dun daddy mga nakaw na sandali." Panggagatong ko sabay bungisngis.

"Funny besh." Nakairap na sabi sa akin ni Sam sabay kuha ng plato at sumandok na rin. Si kuya Al naman ay tatawa-tawa lang sa gilid.

"Uy ungas, pangisi-ngisi ka na lang dyan ah." Puna sa kanya ni Kyrie.

"Ganon talaga bruh." Mayabang na sagot nya at nagkibit-balikat pa. Agad naman syang binatukan ni Sam.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon