Lei Eros
"Bru, bilisan mo na." Madali sa akin ni Kyrie dahil kanina pa sya bihis. Ihahatid nya kasi ako sa school ngayon. Nilingon ko sya sa sofa at nakita kong hawak nya yung phone ko.
"I'm done." Sabi ko sa kanya nang matapos akong magsapatos. Nilapitan ko sya at nakita kong kachat nya si Sam gamit ang messenger ko.
"Let's go." Tumayo naman na sya kaagad at inabot sa akin yung phone ko. Inakbayan nya pa ako pababa ng hagdan habang suot nya sa isang balikat yung backpack ko.
Nang makasakay na kami sa kotse nya ay kaagad nya naman iyong pinaandar.
—————
Ipinasok ni Kyrie yung kotse nya sa loob ng school. Hindi nya iyon idiniretso sa parking lot kundi sa quadrangle nya iyon ihininto.
"Bye bru." Sabi nya sa akin at humalik pa sa mga labi ko."
"Bye." Nakangiti ko ring sabi sa kanya.
"Susunduin kita mamaya." Bilin nya pa sa akin.
"Yessir!" Sumaludo pa ako sa kanya at bumaba na ng kotse nya.
Kumaway pa ako sa kanya nang makita kong pinaandar nya na ulit iyon palayo.
Nawala naman kaagad yung ngiti ko nang makita ko si Penelope na ubod sama ng tingin sa akin. Kasama nya yung mga alipores nya.
Lalagpasan ko na sana sya nang harangan nya ako.
"Masaya ka?" Nakataas ang kilay na tanong nya sa akin.
"Oo naman." Ngumiti pa ako sa kanya. Sinamaan nya naman ako ulit ng tingin.
"Nagtataka lang ako, paano mo kaya nilandi si Kyrie at nagawa kang pakasalan?" Nagcross arms pa sya sa harap ko.
"Uhm, I got his surname already," sabi ko sa kanya sabay wagayway ng i.d ko sa harapan nya, "wala nang saysay kung ano man ang sasabihin mo." lumakad ulit ako palayo sa kanya kaso nakakailang hakbang pa lang ako ay hinatak nya na kaagad yung buhok ko. Tinulungan naman sya ng mga kasama nya. Hinawakan nila ako sa kamay kaya hindi ako makapalag.
"Penelope!" Boses iyon ni Steven. Kaagad namang bumitaw ang mga babae sa akin.
"Sobra na kayo. Kapag hindi nyo tinigilan si Lei ay isusumbong ko na kayo sa office!" Banta nya sa tatlo.
"Swerte kang babae ka at laging may tumutulong sayo." Sabi sa akin ni Penelope bago tuluyang umalis. Inayos ko naman yung buhok ko dahil nagulo iyon. Pinulot naman ni Steven yung bag kong nahulog at inabot iyon sa akin.
"Thank's." Mahinang sabi ko sa kanya.
"Hindi ka talaga nila tinitigilan no?" Galit na sabi nito.
"Hayaan mo na, sanay naman na ako sa kanila." Sabi ko sa kanya.
"Guys!" Napalingon naman kami kay Sam. Tumatakbo iyon papalapit sa amin.
"Oh, bat ganyan mga mukha nyo?" Takang tanong ni Sam sa amin dahil hindi kami kumikibo ni Steven.
"Inaway na naman sya ni Penelope." Walang emosyong sagot ni Steven.
"Bwisit talaga yang babae na yan, ang aga-aga. Walang kadala-dala ah. Nasan yang impakta na yan?" Galit na sabi ni Sam at akmang hahanapin ito ng pigilan ko sya.
"Hayaan na natin. Wag na lang natin patulan kasi mga kulang sa pansin yung mga yun." Sabi ko sa kanya. Huminga naman si Sam ng malalim bago tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."