Third Person's POV
Nagtataka si Kyrie dahil ilang araw na simula nung bumalik sya sa bahay nila ni Eros ay hindi na sya tinatawagan or kinukulit pa ni Kehlani.
Kahit papaano ay may concern pa rin sya sa dalaga kaya pinuntahan nya ito.
Bukas ang gate nito kaya pumasok na sya kaagad sa loob. Hindi rin nakalock ang main door ng bahay nito kaya nagtuloy-tuloy na sya sa loob. Nalukot naman yung ilong nya nang pumasok sya sa kwarto nito at maamoy ang amoy usok ng sigarilyo. Nagkalat din ang mga bote ng alak sa sahig. Nakita nya naman si Kehlani na natutulog sa kama nito habang nakaunderwear lang.
"Kehlani, wake up!" Tinapik pa nya ito sa pisngi at itinabon ang kumot dito. Umungol lang naman ang dalaga.
"Kehlani, gumising ka dyan." Medyo lumakas na ang boses nya kaya dumilat na ito. Pupungas-pungas pa itong umupo sa kama.
"Kyrie! Bumalik ka?!" Tuwang-tuwa na sabi nito at bigla syang niyakap.
"Ano bang nangyayari sayo? Saka bakit ka umiinom at naninigarilyo ka pa?" Galit nyang tanong dito.
"Pasensya ka na kasi wala akong magawa." Yumuko ito at umupo ulit sa kama.
"You should be conscious to yourself, alam mong may sakit ka ganyan pa ang ginagawa mo." Sermon nya pa rin dito at isa-isang pinulot ang bote ng mga alak.
"Ano bang problema mo?" Tanong nya pa rito habang nililigpit ang mga kalat.
"Simula nung bumalik ka sa inyo, hindi mo na ako masyadong nabibisita." Nagtatampong sabi nito.
"Intindihin mo naman sana Kehlani, may asawa ako. Pasalamat ka nga at pinapayagan pa ako ni Eros makipagkita sayo eh." Sagot nya rito.
"Nakipagkita si Lei sa akin nung nakaraan, sinabihan nya akong lumayo na ako sayo." Napahinto naman si Kyrie sa ginagawa nya. "Wag na daw kitang tatawagan at kukulitin dahil maayos na daw kayo." Umiiyak na ito ngayon.
Hindi nya alam na kinausap ito ng kanyang asawa kaya nagtataka sya sa sinabi nito.
"Nagmakaawa ako sa kanya na pagbigyan nya pa rin akong makipagkita sayo pero tumanggi sya. Wag ko daw idahilan yung sakit ko para lang magkita tayo. Akala ko naiintindihan nya ako hindi pala."
Hindi talaga sya makapaniwala sa mga nalalaman ngayon. Nakatingin lang sya dito.
"Kyrie, parang awa mo na. Wag mo akong iwan sa ganitong sitwasyon ko." Nagulat pa sya nang lumuhod sa harapan nya si Kehlani.
"Get up!" Sabi nya rito at hinablot patayo ang dalaga sa braso.
"Okay." Pagpayag nya na lang dahil sa awa kay Kehlani, iniisip nya na lang na kahit papaano ay may pinagsamahan rin sila ng dalaga. Lihim namang napangiti si Kehlani
"Ayusin mo ang sarili mo." Utos nya sa dalaga at itinuloy na lang ang paglilinis ng kwarto nito. Kakausapin nya na lang mamaya si Eros pag-uwi nya.
Nang matapos si Kyrie sa ginagawa nya ay pumunta naman sya ng kusina upang magluto ng pagkain.
Lumabas naman ng kwarto si Kehlani at bagong ligo na ito. Nakaayos na rin ito at nakamake up pa.
"Kain na." Alok nya rito. Ngumiti naman ito sa kanya at umupo.
Nang matapos silang kumain ay magkatulong silang nagligpit ng pinagkainan nila. Nagpupunas sya ng lababo ng bigla syang yakapin ni Kehlani sa likod.
"Namiss ko yung ganito tayo. Laking pagsisisi ko sa mga nangyari noong nakaraan." Puno ng pagsisisi nitong sabi kaya napahinto si Kyrie sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."