Lei Eros
I've got my first kiss at hindi ako nagsisisi na galing iyon kay Kyrie. Ilang araw na rin nung nangyari iyon pero kapag naaalala ko iyon, hindi ko maiwasang hindi kiligin.
Nandito ako ngayon sa mall para mamili ng handa namin para sa new year. Nailista ko naman lahat ng sinabi ni Kyrie. Wala kasi sya ngayon, ewan ko kung san nagpunta.
"Hey Lei!" Nilingon ko kung sino yung tumawag sa akin. Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko si Jayson, yung teammate ni Kyrie.
"Hi, what are you doing here?" Nakangiting tanong ko sa kanya. May mga nagtitinginan na rin sa amin pero parang wala lang sa kanya.
"Like you, namimili rin. Inutusan ako ni mommy eh."
"Ahh..." Yun lang nasabi ko.
"Sabay na lang tayo mamili." Alok nya sa akin. Pumayag naman ako. Wala namang masama kung magsasabay kami. May mga bumabati sa kanya at sinusuklian lang nya iyon ng ngiti at tango.
Pagkatapos namin mamili ay inaya nya akong kumain. Pumayag ulit ako dahil sinabi nya yung magic word na libre nya. Sya na rin yung nagdala ng mga pinamili ko.
Pagpasok namin sa restaurant ay may pamilyar na tao akong nakita kaagad. Nakatalikod siya sa amin. Agad akong tumalikod para hindi nya ako makita.
"Kyrie!"
Ang sarap murahin ngayon ni Jayson. Tinawag nya ba naman ang unggoy. Aayain ko pa lang sya na sa iba na kumain, tinawag nya naman. Naku! Bida-bida ka rin talaga.
"Hey!" Narinig kong sagot ni kingkong.
"Tara!" Hinawakan pa ako ni Jayson sa kamay. Holding hands kami palapit kanila Kyrie. Oo, may kasama syang babae.
Parang hindi ko maihakbang yung mga paa ko. Nakita kong nakatingin sya sakin na parang wala lang sa kanya.
"Kyrie, sya pala si Lei, natatandaan mo ba sya?" Tanong ni Jayson sa kanya.
"Of course." Casual lang na sagot ni Kyrie.
"Sige hanap lang kami ng table." Excuse ni Jayson sa kanya.
"No, dito na lang din kayo sa table namin." Alok ni Kyrie. I don't like the idea. Tumanggi ka Jayson. Tumanggi ka, please!
"Sure!" Nalaglag yung mga balikat ko nang marinig ko yung sagot nya.
"Okay lang ba sayo?" Bulong nya sakin. Alanganin akong ngumiti sa kanya.
"Have a sit Ms. Lei." Kyrie emphasized my name. I secretly bite my lower lip.
Umupo naman ako. Kung mamalasin ka nga naman, katapat ko pa sya sa upuan. Tapos si Jayson naman ay katapat yung kasama nyang clown, ay yung babae pala. Kapal kasi ng make up.
"Waiter!" Tawag ni Kyrie sa waiter.
"Honey, I want frappe." Maarteng sabi sa kanya ng babae. Napatingin na lang ako sa kanila nang yumakap pa sa braso ni Kyrie yung babae.
"Honey, I want frappe." Bulong na gaya ko sa babae. Ang arte!
"May sinasabi ka?" Napatanga ako kay Kyrie.
"Wala ah." Tanggi ko.
"Para kasing may sinabi ka." Tinaliman ko sya ng tingin.
"Ikaw Lei, what do you want?" Tanong ni Jayson sakin. Sinabi ko naman sa kanya yung gusto ko.
"So Kyrie, who's with you?" Tanong sa kanya ni Jayson nang makaalis yung waiter.
"Oo nga pala. Guys, this is Natalie." Pakilala ni Kyrie sa kasama nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/167618747-288-k48976.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fiksi Penggemar"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."