Lei Eros
Pagkatapos nang laro ay nag-awarding pa. Nauna na kaming pumunta nila kuya Al sa locker room nila pero dun lang kami sa labas. May upuan naman eh.
Matagal-tagal na kami na nandun. Kwentuhan lang ang ginagawa namin para hindi kami mainip.
"Ayun, sya yun, yung babaeng laging kasama ni Kyrie!" Napalingon kami nola kuya Al sa nagsabi nun. Nakita naman namin na ang dami nila.
Wala na akong naiintindihan sa nangyayari. Puro flash na lang ng camera yung nakikita ko. Silaw na silaw na ako. Ang gulo na talaga.
"Miss, anong pangalan mo?" Rinig kong tanong ng babaeng media.
"Miss anong kaugnayan mo kay Kyrie?"
"Miss, kasama mo ba si Kyrie?"
"Ikaw ba ang girlfriend ni Kyrie?"
"Gano na kayo katagal ni Kyrie?"
Sunod-sunod na tanong sa akin. Si kuya Al naman ay niyakap ako dahil kulang na lang ay dutdutin nila ako ng mga mic na hawak nila.
"Wait a second. Don't harsh my best friend!" Pagtataray ni Sam sa kanila. Sa sinabi nya ay sya naman ang inulan ng tanong. Ang ending dalawa na kaming yakap ni kuya Al para icover sa kanila.
"Miss, halika muna." Hinila ako ng isang babae sa kamay ko.
"What the hell!" Galit na sabi sa kanila ni kuya Al. Hinila ko kasi pabalik yung kamay ko, ewan ko kung saan ako sumabit kaya nagkaroon ako ng galos sa right arm ko. Nagdugo iyon pero konti lang naman saka hindi naman malalim yung sugat.
"Tumigil na kayo. Natatakot sya sa inyo." Sabi pa ni kuya. Kasi sa totoo lang sobrang natatakot na ako talaga. Sa sobrang takot ko parang lalabas na yung puso ko sa dibdib ko. Sa sobrang helpless ko ay napaiyak na lang ako.
"Sshh Lei. Andito si kuya, di kita pababayaan." Bulong sa akin ni kuya Al.
"Thank you kuya."
Ganon pa rin sila, sabay-sabay silang nagtatanong. Wala naman na akong maintindihan ni isa sa tanong nila.
"Kyrie..." Naibulong ko na lang habang umiiyak.
"Miss, pakisagot na lang. Isa ka rin ba sa babae ni Kyrie? Aware ka ba na nandito si Rihanna? Diba nagdidate sila ni Kyrie?" Di pa rin sila natigil.
"Who the f*ck are you para magtanong sa kanya ng ganyan?!" Dumagundong yung galit na boses ni Kyrie sa lugar na iyon. Kasama na nya yung ibang teammates nya
"Hey bruh, calm down." Awat sa kanya ni kuya Durant.
"Paano akong kakalma kung ganyan yung aabutan ko dito?" Galit na sagot ni Kyrie. Nakita kong inaawat na rin sya ng ibang kasama nya.
"Miss, what can you say about Rihanna, Halsey and..." Hindi natapos ng nagtatanong yung sasabihin nya dahil agad iyong pinutol ni Kyrie.
"Wala syang sasagutin ni isa man sa inyo!" Sigaw nya sa mga iyon, natahimik naman sila lahat.
"Kyrie, ano bang status nyo ni Rihanna? At sino yang kasama mo?" Sya naman ang binalingan ng media.
"Get the hell outta here. F*ck your own life, bastard!" Pati ako nagulat sa sigaw nya.
Kumalas ako sa pagkakayakap ni kuya Al at nilapitan sya.
"Kay..." Awat ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin. Umiling-iling ako, sign na pinapatigil ko na sya sa pakikipag-away sa mga yun. Tumango-tango naman sya.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fiksi Penggemar"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."